Pre-Father's day blog post... MY TWO DADDIES..
Haaayyy...
Malayo pang fathers's day..
Pero depress na ko...
With these two daddies...
Ung biological father ko.. At yung Daddy ko.. Yung daddy ko.. Yung daddy ko.. Na dahilan kung bakit ako nagpopost ngayon...
Ewan..
I jaz wanna ease this pain inside me.. Dalawa sila.. hahaha.. So here it goes...
Sa lahat ng mga nakakakilala sakin...
alam na nila.. magmula pa nung bata ako..
yung tatay ko.. sakit na sa uloko.. Mas nakakasakit pa ng ulo eh hanggang ngayon, pinapasakit nya pa rin ang ulo ko.
Bakit ba sya ganun? Wala syang puso?
Hindi ko pwedeng sabihing "HINDI KO SYA MASISISI KASI AKO LANG ANG NAG-IISANG ANAK NA LALAKI.."
Kasalanan ko ba yun kung isa lang ako?
Eh di gawa na lang sya ulit.
Nakakinis na kasi!!! Ang tagal tagal na non hindi pa rin nya matanggap kung ano na ko ngayon. Napagod na ko kakaintindi sakanya.. Iba sya. Hindi sya basta basta.. Kahit sinong makaingkwentro nya.. susuko sa kanya. Dahil walang ibang tama kundi sya.. Alam nya lahat.. Anyweyz.. biological father ko lang naman sya..
Pero hindi nya raw ako anak eh..
Sabi ko naman.. "Okey" Di wag.
Actually naiinggit nga ko sa mga kakilala kong member ng broken family... ilang beses ko ninasang sana ganun na lang rin kami.. Nagsimula rin naman kaming ganun.. Almost.. Kasi OFW sya eh... Excuse yun.. Oo.. Para sabihin nyang "Nagpapakahirap ako sa ibang bansa.. Taz ikaw.." Ano bang kinaibahan ng paghihirap sa ibang bansa at paghihirap dito sa Pinas?? Bat pa sya umalis kung mahirap dun? Bat ngayon kami ang nahihirapan sa kanya.. Bat hindi sya ngayon umalis??
Makakaloka na sya talaga.. Alam mo yung hindi buo ang araw nya kung hindi sya makakapagparinig sa kin. Sa mga damit ko. Sa kung paano ko kumilos.. Magsalita.. Haay naku..
Naalala ko pa nung nasa panahon pa ko ng "KRISIS" na pinagdaddanan ng lahat ng mga kabeklaan.. Naalala ko dati, ang happy-happy naming mag-iina pag kami-kami lang kasi nasa abroad sya.. Pag my long distance call sya dito, tinatanong bakit nag-iiba daw ang boses ko.. May "tono" natyural choir ako nun.. May tono.. Haha.. Pero nung 1st experience ko nga sa ka-choirmate ko.. Yun.. Hindi ko na rin matago.. Pati boses ko umaayon sa pagkendeng ng balakang ko.. Kaya nagpapanggap pa ko nun..
Sabi ng iba unti-untiin ko lang raw.. Naalala ko pa nitong magsimula na kong magpahaba ng buhok. At magsuot ng damit pambabae.. Ang laki-laki pa ng bag ko nun.. Kasi andun na yung mga make-up at mga bra at damit ng mga kapatid ko.. Unti-unti natanggap ako ng mga kapatid at nanay ko.. Pero sya.. Kahit andami-dami na wala.. Wala..
Wala na talagang pag-asa.. Ewan ko.. Mortal sin ata para sa kanya ang pagiging isang transexual ng isang tao.. Anong gusto nyang gawin ko? Magpakalalaki? Hahaha.. Magpaka-discreet? At pagtanda ko, dun ako bibigay??
Wala.. Ginawa ko nang lahat..
Itinaguyod ko ang buhay namin.. Kasi bago ko dumating ng college wala na syang trabaho.. Hindi npa ko gumagraduate ako na ang sinugo bilang maging breadwinner kahit bunso ako.. Pero sige.. Nagawa ko naman... Meju okay na kami ngayon.. Pero shet.. Naloloka para rin ako sa sarcasm nya sa kin.. Imbes na maging proud sya.. Tinataasan pa nya ng kilay ang success na naabot ko.. Naalala ko yung huling father's day na binati ko sya.. Siguro 2005 or 2006..
I wrote him a letter.. Pinuno ko ng pagmamahal, pag-asang pagtapos nyang basahin yun magbabago ang lahat.. Hindi nga ko nagkakamali.. Nagbago ng ang lahat.. Lalong sumama ang tingin nya sakin.. Lalo kong naging kriminal sa mga mata nya..
Taz siguro mga 2007 yun.. Yun na.. Wala na kong tatay........
Hindi raw nya ko anak.
Fine..
Kung Pwede nga lang palitan kong apelyido ko eh.. Hellow? hindi naman sya kilala.. Ako nga lang ang nagbigay ng glamour sa TABASON.. Alam ba niya yun? Pag narinig nya yan.. Tiyak sasabihin nya.. "Kahit hindi na.." Nakakaloka sya.. Bakit, nung bata ba sya nalagay na sa poster yung apelyido nya? Napagapang na ba nya sa TV? Nakarating ba sa entablado sa ibang basa yung apelyido nya? Hindi. Ginawa ko yun.. Sa ayaw ko sa gusto, nabitbit ko yun... Siguro kung iba yung tatay ko iiyak sya pag sinabi ko yun.. Wala eh.. KAKAIBA SYA.. At walang makakapagpabago nun..
Siguro kahit mamatay ako sa harap nya iisnaban nya lang ako.. Baka mairita pa sya pag sinabihan syang tumulong sya sa pagtimpla ng kape ko.. EXAGE?? HINDI NOH!!! TRULY.. Baka sabihin nya pa.. "Magandang idea yan ah!!"
Jusko sa araw araw ba naman na pag dabugan nya ko at pag-iwas nya.. Natatawa na lang ako kasi.. Hindi ba sya napapagod? effort din yun ha!! Nakakatawa sya! Dalaw kayo minsan sa bahay to prove it! Para kong maysakit at nahawaan ng epidemya. Ganun sya nandidiri sakin. Kapag nakakakita sya ng bading sa tv.. Shet.. Parang gusto ko magpayong.. Di dahil natatmaan ako at nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.. Kasi nakakarindi na..
Napapagod na ko...
Ikaw hindi ba?
KAhit anong tigas ng puso ko na naman ko sayo, hindi ko napipigilang nasasaktan mo pa rin ako.. Ilang beses mo na kong pinahiya.. Ilang beses akong napahiya dahil gusto kitang yakapin pero tinatawanan mo ko...
Pero kahit awayin mo ko sa harap ng maraming tao, kahit ganito na ko ngayon... Iiral ang male hormones ko kasi papatulan kita at makikipagpatayan ako sayo..
Pero nagpapasalamat na rin ako.. Hindi dahil UTANG KO SAYO ANG BUHAY KO.. Sorry pero mali ka dun. Kahit hindi ikaw ang maging tatay ko sa ibang itllog ako lalabas at magkikitat magkikita pa rin tayo.. Nagpapasalamat ako kasi kahit hindi mo sinasadya, isa ka sa naging dahilan para matuto ko.. para lumakas ako.. Para maging matatag ako..
Kahit gano kalaki ang galit mo sakin.. Kahit halos patayin mo ko araw araw sa kunsume.. Pag ikaw ang lumapit sakin.. HIndi kita tatanggihan.. Kahit ganun ang ipanakita mo sakin pero pag alam kong wala kang laban sa kin.. Hindi kita papatulan..
Kasi kahit papano hindi ko minana yung matigas na puso mo..
Sinabi ko bang mahal PA RIN kita matapos ng lahat?
Mabuti na lang hindi..
Pero pinapatawd kita.. At hindi ako galit sayo..
At ito na lang ang masasabi ko.....
HAPPY FATHER'S DAY NA LANG SAYO...
At ang aking.. haaayy..
Isa pang Daddy..
Ang aking pinoproblema ngayon..
Inlove na ba ko sa kanya??
Pero may asawa't anak na sya.. Pero sa kanya ko lang naramdaman...
IBA SYA.. Dialogue na yan lahat ng mga tinamaan..
Haay.. Ang dami kong boylet nagayon actually.. May taga Antipolo nakilala ko nung holy week, ung tagaLAgro na nag-audience sa amin taz kinuha number ko at iniinvite ako pumunta sa kanila, may contestant namain dati, may macho dancer na artista namain sa indie.. Aun.. Pero hindi pa ko nagkakaboyfriend.. EVER!!! Jusko.. Pero hindi ko nga sinasabing virgin ako..
Ewan ko.. Hindi ko alam..
Hindi ko alam kung ano ko..
Pero sa kanya ko lang naramdaman na iba ko... IBa sya.. Never nya kong hiningian ng something.. At sya lang ang taong nagsasabi saking "sino lang ba ko sa gaya mo" Naiiyak ako...
Kasi.. Kasi hindi ko alam kung ano ba ko.. Ano ba ko sayo??
Alam nya naman ng lahat ng madali akong mahook sa mga sweet words.. sa lambing.. madali akong mauto.. Madali akong mahulog..
Kaya nahulog na ko..
Nahulog NA TALAGA KO..
I'm now in one of the happiest, craziest, hardest, and painful moment of my life...
BEING IN LOVE...
Kaya never ever pa kong nagkaron ng partner kasi nga mahiyain ako.. Pagurl ako... at nung hindi pa ko pagurl Torpe ako... Not to mention na naman na may sinulatan ako nung grade six ako na tomboy taz sa likod yung lyrics ng theme song ng Titanic.. Yuck!!
Pero kung ikaw ang bibigyan ng nsilver na necklace? Ng teddy bear? ng chocolate?
Pag tinawag kang BABES???
Pag itext ka ng buong holy week mula umaga hanggang madaling araw..
Tapos ayun..
Maarte kasi ako.. Dahil takot ako dating magsabi ng nararamdaman ko sa tao kaya nagsisis ko kasi pag umaalis hindi nya alam ang feelings ko nanghihinayang ako.. ayun umover ata ang lakas ng loob ko..
Ganun pa rin nman kami..
Pero naging aloop sya..
Di na sya sing-sweet ng dati..
Hindi na sya sing sipag magtext dati..
at ayaw nya pang makipagkita sakin ngayon.
dahil naiilang sya.
Nahihiya sya.
Dahil alam nyang MAHAL KO SYA....
Sa september na lang daw kami magkita.. Kanta na lang ako ng Wake me up when spetmeber ends..
Taz magtataray lang ako, hindi ko naman kayang panindigan. Sabi ko kahit wag na.
"Okay.. It's up to you thanks.." Sabi ba naman amputa!
SHET..
Hindi ko kinakaya toh!!
I think im gonna die in ten minutes..
Gusto kong uminom.. Magyosi.. Mag drugs.. Makipagsex.. Lahat!!!
Para mging okay..
IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD... IM SAD.. IM SAD...
Daddy ko...
Happy Father's Day.. Sayo ko na lang to sasabihin..
I LOVE YOU DADDY!!!
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!