Sa aking pagmumuni-muni


Haaayyy...
Sa pagmumuni muni ko.. Wla lang.. Meju nahahagard talga ko pag hindi ako busy.. Mas gusto kong may pinagkakaabalahan.. Mas napapagod ako humiga at matulog. Mas napapgod ako pumirmi sa bahay.. Mas napapgod akong makakita ng mga kailala kong tao.. Napapagod akong kausapin sila.

Ang mga bagay na ayaw kong pagsawaang gawin dati , ngayon meju nakakaburat gawin.
Gaya ng pagdalaw sa mga barkadang palagi mong kasama. Ngayon parang utang na loob mo pa pag nakita mo sila at ngayon pagtatabuyan ka na nila.
Gaya ng pagbalik sa dating eskuwela at makita ang mga bagay na minahal mo sa loob ng limang taon, ngayon ang sakit na sa mata pag nakikita mo.
Gaya ng pagbabaliktanaw samga bahagi ng silid aralan na nagpapaalala dati ng mga masasaya at mapapit na alaala.. Maiisip mong mananatili na lamang syang alaala at di na mauulit pa.
Gaya ng pangangarap ko dati na magkaroon ng matinong trabaho para matahimik na sa pamilya at maging maligaya na sila pero anu ngayon, nakasama pa ata na parang ikaw lang ang may karapatng magtrabaho at wala kang karapatang magreklamo!
Gaya ng mga kaibigan mo nung bata ka pa, ngbago lang ang sinusuot mong damit pati itsura ng kilay mo,ikinakahiya ka na..

Nakakalungkot..
Ako kasi yung taong pag nakilala mo at pinbaramdam mo saking mahal mo ko noon, kahit pa hindi pa ko marunong magsulat ng dikitdikit noon, hinding hindi ka mawawala sa utak ko.. Kasi nakaktatak sa puso ko...

Nalulngkot lang ako..
Sana hindi na lang lumilipas ang panahon..
Sana hindi na tumatakbo ang kamay ng relo..
Sana hndi na tumatanda ang tao..
Sana walang namamatay..
Sana hindi na kailangan magtrabaho..
Sana bata na lang ako..
Sana hindi na ko lumaki..
Sana hindi na lang ako lumaking bading..
Sana wala na kong tatay..
Sana hindi ako bunso..
Sana hindi ako breadwinner..
Sana hindi ako pinanganak na mahirap..
Sana babae na lang ako nung pinanganak..
Sana hindi ko nakilala yung mga taong nagpakilala sakin at minahal ko pero iiwan din pala ko..
Sana hindi na ko natutong magmahal..
Sana hindi nagbabago ang bawat tao..
Sana..

Natatpos ang pagiging malungkot ng isang tao..
Sana walang hangganan ang saya..

Sana lahat ng magagandang panaginip pwede mu ulit ituloy sa paghiga mo..
Sana may pasok palagi..
Sana makulimlim lang ang klima..
Sana hindi magkakaiba ang itsura ng tao..
Sana hindi na tinuro ang tama.. Para walang mali..

Sana di na ko nabuhay.. Pero sila rin hinde..
Sana nagkaboyfren muna ko bago ko natutong makipagsex..
Sana yung boyfren hindi namimile..
Sana hindi lang babae yung nililigawan..
Sana hindi iniibig ang mga bakla dahil sa pera..
Sana wal nang pera..
Sana walang mayaman para walang mahirap..



Nahihilo na ko kakaisip.. Ewan ko..
Kung ipapadala ko yan kay Vicky Morales baka isampal nya lang sakin ang mga wish ko..
Ayoko na..
Napapgod na ko..
Sana wlang luha.. Para walang umiiyak..
Gaya ko. ='(

Comments

Popular Posts