5AM pursuit of Happiness.. Flirtiness.. and Anxiety...
Haaayyy...
Gosh..
Hindi na talaga ko mapakali. Every after minute, naiisip ko sa pic ng gaya ng nasa tabi nito..
Ano pa nga bang tatalo sa buhok kong hinahangin sa EDSA dahil sakay2 ako sa motor, o ung isakay ako sa BMW... (actually, wla pa namang ganon)
Pero..
ODK (OMG ng jologs.. "O diyos ko") Haay...
Ang mga laman ng mga status ko.. Ng mga shoutout ko at ng mga GM ko.. Kasama ko lang naman mga ilang oras lang nakakalipas..
Mabuti na lang maliit ang mundo at kapitbahay sya ng ate acy ko.. Di ba?
Shet.. Shet.. Shet.. Nakakaloka na.. Kasi.. Hindi ako mapakali talaga.. Naiisip at naiisip ko yung mga moment na magkasama kami.. Buti na lang magaling ang ate ko..
Yung kinadedepress ko nun.. Eto kinasasaya ko at medyo kinababaliwan ko na...
MGA KAIBIGAN...
THIS IS OFFICIAL..
I'M REALLY IN LOVE WITH HIM..
Kala nyo kami na noh? Hindi.. Hindi pa.. Hindi na.. Basta hinde.. Yung "hindi" na nakapikit or di tumitingin sa kausap..
Sa mga medyo nakakaalam ng istorya.. Sya ung reason why iba na ang surname ni Threena.. Nakagetover na sa Hernandez eh.. For five years ba naman teh? Basta ayokong irearrange ang spell kasi baka pag natuto na syang magfacebook, mataatwa na naman sya sakin.. At pati ang mga kafacebook ko, makikilala sya agad.. AWARD.. Yun nga yung reason kung bakit last month hindi ako naging ganito kasaya.. Kasi nga.. AWARD.. Nagtiwala kasi ako sa mga taong maglalaglag naman sakin.. Shet..
Anywey, para lang matuloy na ang pagkikita namin.. Pasalamat na alng ako sa mga skills ko.. Nagagamit ko yun para maging masaya ko. Buti na alng magaling ako magmakeup. Buti na lang nabanggit nya sakin na sasagala ang pinsan nya. At first di pa sya pumayag eh.. Nahihiya sya kasi saken.. Hindi pa nga kami ganun Ka-Close at medyo ilang pa nga sya sakin, mula nung.. Alam mo na na umamin ako sa kanya sa kung ano na sya sa life ni Threena.. Eto.. Baka mababasag na yung wall na yun.. Baka ito na ang paraan..
Pumayag siya.. So the night before yesternight, ayun. Meju inaatake na ko ng Sakit ng pamilya namin sa pag-iisip ng kapraningan dahil sa sobrang excitement, sa sobrang irita sa problema sa bahay, sa inis sa nagtetext sa kin na tinatanong ako na pag namatay ako san daw ako mapupunta dahil dalawa lang raw ang nilikha ni Lord, Lalaki at babae, taz makikita ko pa yung mga taong ayoko pang makita, at may mga nakikita ako na kinakabahan ako pag may mga nakikita kong ganon.. Haaay.... In short, 5am na ko nakatulog.. Tapos ayun, nakipagmeeting na nga ko at dumiretso ko sa aking dakilang sisterette na kapitbhay lang (almost) ni.. Ni Daddy..
Shet.. Sa sobrang miss ko kay ate, 5am na naman kami nakatulog.. And its 5am na, at ayun, hindi pa rin ako mapakali.. Tatlong 5am na kong natutulog.. Pero eto ang pinakamasaya kong 5am at nakakalokang 5am ko.. KAsi nga, hindi ko makalimutan..
Sa tagal ng sagala, sa passenger seat ako nakaupo, nagkukuwentuhan kaming dalawa ng mga buhay buhay.. Habang kinukunan ko sya sa cp ko ng patago.. Na inamain ko rin kanina, na sana nga, i asked him nalang daw para we have pic together.. O diba, sa sobrang pagurl.. Sa sobrang kilig, nagstop over pa kami kina ate para mag bladder break ako kasi di na kinakaya ng pantog ko yung kilig ko.. Grabeh.. After ko jumingle, ayun na ang ilang oras na.. kasama ko sya.. na dun ko lang sya nakasama.. dun ko lang sya nakasama ulit.. at baka yun na ang huling makakasama ko sya..
Then I find myself na nakikipaglaro na ko sa mga baby nya. Nakikipagtsikahan kay momy.. Na palagi syang tinatampal-tampal, pero selosa.. Pero si mommy na feeling ko nakakhalata na sa treatment ko kay Daddy pero sinusuportahan ako.. Pero hindi natupad ang balak ni mommy na kunan kami ni Daddy ng picture together..
Haaay..
Ewan ko.. Sabi ng ate ko, wag raw ako maiinlove.. May asaw na..
BAkit pag sinabi bang nainlove, magiging kabit? Ang ganda ko naman?!
Actually sobrang ganda ko.. Mas maganda pa ko sa minakeupan kong pinsan ni Daddy.. Kasi teh, kada may bumabastos sakin, sinasaway nya.. Kada hanap ko ng yosi sya taga kuha, tagasindi, pinipilit ako pakainin.. Teh.. Iba sya.. Iba magmahal ng 30y/o.. Ng matured.. Hindi ikaw ang gagastos.. Hindi makitid ang utak.. HIndi ka Bakla.. babae ka..
Kaso..
Daddy na..
May anak.. May asawa..
Pero..
Mahal ko sya.. Promise..
Nagmahal na ko ulit...
Pero...........................
Okay na muna ko dito..
Yung kahit..
Hindi kami..
Hindi ka ibang tao..
Hindi ka lang kaibigan..
Hindi sya nagbibigay ng motibo na magiging kayo....
Andyan lang sya..
Yung okay lang sa kanyang mahal ko sya..
Haay..
it's 5am.. Gudnyt..
Tanx te acy!
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!