Im an Artist..



Haaayyy...

Magmula nung nagustuhan ko si Regine...Bumili ako ng cassette tape pa nya dating DRAWN and title ng album..
Magmula sa kanta nyang ikaw..
Dun, nagsimula ko nang gayahin sya...

Sino ba naman ang may ayaw sa ate mo? Lahat ata ng pinanganak na bakla imbes na unga ang iniiyak Narito ako ang sinasambit..

Di ko na maulit ang sketch ko dati... na kagaya ng nito.. Sa album ni Regine kasi non, may dinrowing syang features ng mukha nya.. Mula nun, mahilig na kong magdrawing ng mata.. Marunong akong magdrawing ng mata.. Lagi akong nagdodrawing ng mata... Di ko na marecover ang ginawa ko dati sa computer ng pinsan ko.. Naaliw kasi ako sa paint.. Since 1st year college ata ko mula nang makahawak ako ng PC ung tipong kinakailangan ko pang magpulbos kasi makikipagmit ako sa taong ngayon ko lang makikita... Ang computer.. At nakilala ko si Paint.. Ayun, nagsketch ako ng mga 1hour ata yun.. Kasi hirap magdrawing sa mouse..
Pero eto para lang maipakita ko ung title ng blog ko for today, nagsketch ako ulit for mga kulang kulang 10 minutes..

Bata pa lang ako kinakitaan na ko ng pagiging different.. Di ako nakikipaglaro sa mga sing edad ko, mas gugustuhin ko pang magkulong sa bahay, aantayin ko lang pag-uwi ng nanay ko galing sa trabaho, ayokong umuuwi ang tatay ko from abroad, umiiyak ako pag umuuwi ung pinsan kong lalaki, sya lang kasi gusto kong kalaro, pinapagalitan ako kung bakit mas gusto kong makipaglaro sa babae, baka mahawa raw ako.. e nahawa na nga, mas gusto kong umuulan at nagbabaha, pero ayokong maglimas ng tagas ng baha sa kuwarto namin, sa sobrang inis ko dati sa kapatid ko, inipit ko ung balat nya ng dispenser ng condense milk, (ang sosyal namin noh? bigay lang un, nasa kahon pa rin sya hanggang ngayon..)
Basta.. Kakaiba ko, mas gusto ko magsuot ng damit pag malapit nang malaos, di ako sumusunod sa uso, ayokong magpabutas ng tenga, nagsusuot ako ng ket panget, luma basta kumportable ako, sinusuot ko.. Gusto ko maging kakaiba.. Gusto ko malaking malaki shades ko, gusto ko hanggang binti ung boots ko, naghahanap ako ng sapatos na baligtad yung takong.. Kesehodang pagtawanana nila ko. Basta maging kakaiba lang ako...
Bakit ako nagbablog? Para sa sarili ko, bahala kayo kung basahin nyo..

Ang haba ng intro ko noh?? Intro pa lang un... Kasi nga kakaiba ko.. Artist kasi ako.. Mahirap daw maintindihan ang artist... May naintindihan ba kayo sa mata na nasa itaas?? Mga nakakaintindi lang nyan mga indi matatalino...
Ewan ko kung ano IQ ko.. Mababa siguro.. Kase di man ako intelligent.. kaya walang qoutient..

Alam ko talented ako.. Sabi nila.. Kumakanta ko.. Member ako ng choir dati nung 10 yrs old ako na kumakanta sa JApan nung 1997... Kasi nga sponsor child ko.
Nag-iisplit ako dati nung grade four sa kantang It's a beautiful life..
Umaarte din ako.. Teatro ko since 2002.. Yun.. Teatro..
Nagsusulat ng "script-script-an" sa teatyro at..
Nagdididrek din kung minsan... na nagstart sa choric o speach choir nung high school..
Impersonator ako... Nagstart magperform sa school ng comedy.. Unang una kong ginaya.. si Lani Misalucha. Nagperform ako dati ng ang iksiiksi pa ng buhok ko. May bulaklak sa tenga. Taz applauded,,,, ang ending nalaglaglag ang bulaklak ko sa tenga, at sinalo ni Mr. John Gemperle III A.K.A. PAPA JACK ng LOVE RADIO.. Crush ko pa man sya that time...
Eto na nga, nagdo-drawing ako ng matamata.. mga nagpapanggap na abstract.. Basta may kopyahan..
Nagdedesign ako ng damit.. pero di ako marunong manahi..
Make-up artist din ako... Pero di ko iniipon mga portfolios ko..
Napasok ako sa GMA as writer.. Sa Scriptwiriting (Brainstorming) workshop.. Ayun, tiis tiis tiis.. Bakit nga ba ko napasok don? Nagkwento lang nman ako.. Kahit naman dati, hindi ako magaling sa recitaion. Sa exam lang ako umaariba pero di ako nagrereview.. Pag ayaw ko dato ang subject ayoko talga., Eh di ko sya kailangan sa buhay ko. LAlo na nang mag-ulit ako ng statistics.. malilimutan ko pa yung spelling.. Ewan ko ba, di ko yan kailangan sa buhay ko.. Marunong na ko ng four fundamental operations... Kaya nung nagsummer ako, ung teacher na pinagwithdraw-han ko, xa ulit prof namin!!!
Aba sa tagal-tagal ko na sa trabaho, ngayon lang ako natuwa talaga.. Sabagay, hindi ako makakatungtong sa kailgayahang sinasabi ko kung di ko naranasana ang lahat.. Ang mag-impersonator sa Gaybar, sa halagang P200 sa Baclaran ito ha!!! At mag-imperosnator sa cheap na comedy bar. P300 naman dun.. Pag may tao!!!! Naglinis ako sa kababuyan ng mga taong kumakain sa Jollibee sa Avenida...

Nakakaloka.. Pero.. I stay Happy.. Un na lang ang ayakong mawala sa akin.. Kahit meju worry ako nakukuha ko pa ring magpatawa...
Ewan ko.. Nabasa ko kasi sa Romance novel ni Rose Tan ng Precious Hearts na kelan ko lang natutunan basahin.. Narealiz kong kagaya nya ko.. Artist.. KAKAIBA.. ALWAYS WANT TO BE DIFERENT... Ganun ako...

Wala kong pakelam sa mga sasabihin nila.. E ano kung mahirap kami at mumurahin alng mga sinusot ko.. Magaling naman ako magdala.. Ang ending.. MAS MAGANDA PA RIN AKO SA KANILA... Kasi Im an artist.. And Im different... And Im beautiful...

Ewan ko ba...

Ano na lang ang kulang sakin???
Isa lang.. Love life... Love life..
Na ang MAHAL MAHAL kung bibihin... Palagi na lang FRIENDS!!! FRIENDS!!!!
Hanggang dun lang... Nakakinis paminsan minsan..
PEro kung may mga FRIENDS ka namang minsan nagbibigay ng BENEFITS eh di WALA NANG KULANG!!!! Happy pa..

Haaay... Threena.. Jef.. Jef.. Mama Jef...
Im torn between this name..
Kapag naglalandi ako THREEN ang name ko.. pag nagpeperform, pag nagappagurl.. Pero pag pinapagana ko nang pagiging ARTIST ko, JEF TABASON ang ginagamit kong name.. Aba kahit itinakwil na ko ng tatay ko dahil sa kabaklaan ko, ako pa rin ang nagpasikat sa Apelyido nyang wala namang ibang may nakakaalam kundsi Lolo ko at Lolo nya...
Pero bakit nagyon, naglalandi ako..
Kay Baby Jef.. At kay Daddy jef...
Parehas ko silang mahal..
Si Baby Jef, sya yung sa Antipolo... Inaalagaan ko.. 18yrs old..
Si Daddy Jef, sya yung sa... Hmmm.. 31 yrs old, inaalagaan ako..

Sino sa kanila? Yung magastos? O yung handa kang gastusan?
Walng sense ang blog ko..

Pero KAKAIBA!!!

Comments

Popular Posts