Mahal na mahal kita Don Jose (Open Letter)

Haaayyy...

Here's an open letter to my dearest...

Don Jose,

Mula sa pinakafavorite mong Baby Boy. Wala ka namang choice kasi ako lang naman ang boy sa mga anak mo. Pero simula ng naging girl na ko, hindi mo na ko naging favorite.
Ok lang naman. Nabawi ko naman yun kasi napatunayan kong ako ang magtataguyod sa buhay natin. Hindi man singmahal, pero malayo naman sa buhay natin dati.



 
Ang sabi ko nga palagi, kahit di naman tayo mayaman, napasaya naman kita mula nung nagsama-sama tayo ulot sa isang bubong. Napasyal naman kita. Napakain kita sa mga restaurant. Techy ka na rin. Sabi ko noon, kahit hindi tayo mayaman, at least buo tayo.
Pero, kulang na kami ngayon. Hindi mo na naantay na yumaman pa tayo. Hindi mo na mararanasang ipagdrive kita pag may kotse na tayo. Hindi mo na mararanasang mamasyal tayong pamilya sa ibang bansa. Hindi mo na mararanasan na ihatid ako sa aisle pag pinakasalan ako ng foreigner.


 
Nung time na hindi mo na ako favorite, hindi na rin kita favorite non. 12 years, hindi tayo nag-usap. Sabj ko nun kahit mawala ka, wala akong mararamdaman. Buti na lang nagpaBoracay ako, may bahay na tayo, favorite mo na ako ulit.


 
Sana hindi na lang. Kasi kung nawala ka non wala akong masyadong mararamdaman, hindi ganun kahirap.
Pero nakakainis eh. Sa bawat araw na kasama kita. Sa bawat okasyong nagpicpicture tayo. Sa bawat panahong nagagalit ka na makitaan lang ako ng damit pambabae, tumatawa ka na lang ngayon pag nakikita akong buong buo. At sa bawat na nararamdaman kong... tanggap na tanggap mo na... baby girl mo na ko... Nakakainis lang... Mas minamahal kita. Nang sobra sobra. Sa loob ng 6 years na huling sandali mo, proud ako na nabigay ko naman sayo yung buhay na gusto mo. Kulang pa yan gusto ko pa sanang maranasan mo ang mga darating kong swerte. Pero hanggang dun lang talaga. Yun lang talaga ang subscription namin sayo. Kung meron mang unli nagadvances na ko. Pero yun ang kagustuhan ni Lord. Gustuhin man namin na kahit isa pang araw, isa pang buwan, o isa pang taon makasama ka... pero nasasaktan kaming makitang nasasaktan ka na.







 
Magbabago ang lahat. Pero tuloy pa rin ang buhay. Kaya kamusta mo na lang kami kay Tita Wilma, kay Lola Nena, kay Kuya Edward, kay Tita Morat, kay Kuya Neil, kay Tita Naida na magkasunod lang kayo. Wala nang hirap. Wala nang pagod. Wala nang hingal. Makakatakbo ka na jan. Makakalipad ka pa. Dahil Tay malaya ka na.


 
Hindi mo na mararanasan ang paulit-ulit na ulan, baha, corruption, at paulit-ulit na pagsasabi ng LABAN LANG. Pinilit mong lumaban sa loob ng halos dalawang linggo na muntikan na. Mana nga ko sayo. Napakatapang mo. Salamat sa pride na pinamana mo saken. Dahil diyan, marami akong nakaaway.
Salamat sa lahat Tay. Salamat sa pagtatrabaho mo para samin. Sa pagtitiwala mo sakin. Hanggang dito na lang talaga.


 
Sabi ko noon ikaw na lang ang huling lalaking mamahalin ko. Totoo ata ang pattern, lahat ng minamahal ko... Iniiwan ako. Pati ikaw.
Kakabirthday mo lang. Sabi pa ni Nanay ang dami mo raw handa. Kaya naman pala... Last mo na yun.
Tinanong mo ko nakaraan "Lapit na birthday mo, maghahanda ka?" Sabi ko "Pano ko maghahanda eh nandito ka na natutulog sa sala. Kaya magpagaling ka para sa taas na kwarto ka na ulit." Sa ibang taas ka naman pala matutulog. Hindi ka naman na pala gigising para lang makapaghanda ako. Hindi mo naman matitikman ang luto ko. Hindi ko alam kung magiging happy pa ang birthday ko lalo ngayong taon. Kasi wala ka na sa picture. Wala ka na rin sa Christmas at salubong ng bagong taon.
Mahal na mahal na mahal kita. Sabi ko nun lahat ng sakripisyo ko para sa inyo. Pero balewala na yun kung di ka na kasama.



 
Tay... Mamimiss kita. Mamimiss mo lahat ng nagaantay na tagumpay para sa atin. Pero mas matagumpay na hindi ka na maghihirap. Hindi ka na magkakasakit. At di ka na malulungkot. Maligaya na ang puso namin para sa'yo.
Gabayan mo na lang kami Tay ha. Pagalingin mo si Nanay. Sila Ate. Patabain mo. Bigyan mo ko ng pinakamagandang offer ng trabaho. Pakisabi na lang kay Lord. Pakisabi rin... "salamat dahil ikaw ang pinili nyang maging Tatay ko.


 
Hanggang dito na lang Tay. Rest in Power.


Comments

Popular Posts