Lord, Thank You and Help
Haaayyy...
These past few months have been so struggling. Last year naramdaman ko rin to. January to March?
Naku halos sanay na ako jan.
2021, okay pa ako on the first quarter. Pero buong taon nun wala talaga akong trabaho. Nag-call center pa nga ako ng late October, dinala ko pa wfh setup dito sa Parañaque. Yes. Pag depressed ako, dito na muna ko.
2022, dumating si BalitaOneNan with Pie Channel kaya medyo nakaka-overwhelm at kahit papano nakasurvive naman, eto na yung pinalilipat ko na sila nanay at tatay sa Cavite. Kasi nga ayoko naman silang mamatay sa hirap ng buhay nila dun. They're senior citizens na. So medyo bumuo ako talaga ng family. While nmay sinusustain aklng apartment sa QC. So parang wala rin akong naipon kundi bayad utang lang sa mga kautangan since pandemic. Pero at least I had a lifestyle to sustain... And yun na nga. I had a... Responsibility... Family... And is not easy bejng a misis.
2023, January to March last year medyo umaaray na ko kasi yung natabi ko nun saks lang din pangbayad sa 3 months expenses kasi March sumasahod na ko sa dalawang show. Nakaipon naman ng kulang sa 200k pero dai. May mga friends and relatives akong may jutang sakin. May isa pa ngang kinamatayan na lang. So nakaipon-ipon. Nawawala ang show, bumabalik. Nakapagbakasyon pa nga ako nung July sa Coron. Pero kahit papano meron naman ako ket 100k sa savings ko.
So eto ka na.. yung mga panahon pa nyan yung inaasahan kong paysung sa raket, ibabudget ko sana.
Pero after nyan nagsimula na ang blessings. Sabay sabay.
Napakasaya nyang show na yan. Ang gaan lang. Sumabay pa ang pagHeadwrite ko ulit sa Pie Channel.
Wala nang pic ng staff kasi d ko naman sila kasundo. Pero hirap na hirap din ako dyan pero aliw naman ang ageru.
Eh dahil walang wala ako nun. Nagapply ako sa news as SP. Kahit papano sa loob ng 2 months medyo may inaasahan ako kahit maliit. Wala nang poster di naman ako masyado naging masaya.
Pero yun na nga. Nagresign ako dun. Sa hirap ko sa Pie Channel, awa ni Lord, kusa na syang nagsara. Pero tinapos naman ang kontrata namin. Pero nganga na.
So etong una na lang ang inaasahan ko for this year. Ayan ang mga worries and sleepless nights ko last year. Pero dont worry... May ipon pa naman!
Until...
2024
Nagsimula nang mabuntis ang pasahod.
Delayed!!!!
Withdraw savings. Same lifestyle. Nagpasko, wala. Nagpabirthday ako kay nanay, wala. Withdraw.
Eto na po siya.
Yes. Maintaining balance na lang ang natitirang ipon ko sa buhay. Pero hindi darating sa ganyan kung hindi delayed ang natatanggap namin. Hindi lang payday ang delay ha. Weeks... Months...
Paano na? Breadwinner ako. Wala kaming business. Saan ako kukuha?
January, nanakawan ako ng phone sa loob ng Van ha! Bili ako bago. "Mas mahal na nga" kako para mas ingatan ko. Kaskas sa cc ni pinsan.
Tapos nagsimula na ang pagmamaoy ng Mister arounf Feb.
Then March...
Naitawid naman.
May pumasok na isang part ng sahod. At nakaraket pa nga... Salamat talaga Ms. Aiai!!! Ang saya nyan kahit mababa lang budget. Naitawid ang bills ng March.
Pero bills pa lang. May miscellaneous pa. Grocery, Shopee Pay, Phone Bill, Wifi, Electric Bill, baka pati RH Bill problemahin ko pa. And... Si Mister na naman.
Super maoy talaga si Mister.
Kaya...
Nomo ko... Stressed kasama problema....
Then...
Nanakaw ang mahal na phone.
Yes, nagising na lang ako ng nasa motel ako blacked out ang 4hrs of my day. Wala ako ni isang detalyeng naalala. May pinakilala raw sa akin. Na ni wala akong recollection sa nangyari before, during and after. Then my phone is gone! Just like that.
Wala pang 2 months ko nagamit. Pero isang taon kong babayaran.
Lord why???
Bakit ngayon pa? Natutulog ba ang Diyos?
Yung blocked out ko grabe. Nung lumabas ako ng motel ni di ko alam saan ako pupunta. Parang nung nabugbog ako nung 2016. Ganong feeling. Nakaka-climax scene ng mha indie film. Hindi ako pwedeng mag-pass-out. Di ako pwedeng magreklamo.
Pero sa kakaikot ko sa Zapote ay 4am, nakabalik ako sa bahag bg pinaginuman, nakausap pa raw yung kasama ko nun sa motmot ah. Wala raw nangyari kaso suka lang ako ng suka tapos natulog. At di raw sya ang kumuha. Then inumaga na pero wala namang napala.
At... Wala na akong magagawa. Pag-uwi ko dito sa Sucat...
Depression. Ayun pala yung feeling nun. Yung ang dami mong iniisip. Utang, budget next month, bills, may jowa pa ba ko? Kasi di na siya nagpaparamdam isang buwan na, mababayaran pa ba kami? Kelan? Buo na ba? O parte-parte? O kelan yung last part? Isang taon pa ko magbabayad ng 30k sa cp na 2 months ko nagamit, paano yan bukas magreretrieve ako ng number ko, papablock yung stolen phone sa NTC, ano pang pwedeng maging trabaho? Wala akong ibang skills, ay may susulatin pa pala akong sequence treatment ngayon ng sitcom na first time kong gagawin sa loob ng 14 years. As an overthinker. Yeah... It was a lot.
Siguro kung Gen-Z lang ako, nag-suicide na ko.
Naalala ko nung napagtripan akong bugbugin nung 2016. Napahawak ako sa barb wire butas ang kamay ko, napasabi na lang ako... "Lord, hindi sa gantong paraan ako mamatay."
Kinabukasan bibili na sana ako ng phone na bago. Yung mas latest sa nawala. Bahala na. Sa card ko na lang. Buti nga mabait pa yung nagnakaw. Cp lang kinuha. Hindi yung wallet.
Then paligo ako sabi ng pinsan ko, "May surprise kami sayo" so na-spoil na ko.
Paglabas ko ng banyo. Ayun inabot ng pamangkin ko... "Tito, hindi to singmahal ng nawala, pero latest na rin yan para hindi ka na bumili" then I broke down.
There's still a rainbow behind the clouds. I felt sp loved. Hiyang hiya ako. Ang dami ko nang utang sa kanila. Tapos niregaluhan pa nila ko ng something nasa 10k din. Sa touched ko napayakap ako sa pamangkin ko tapos nagtago ako. Hindi ko talaga kayang umiyak sa harap ng mga taong pinapakitaan ko ng lakas.
Then life goes on. Inasikaso ko yung simcard replacement, since kakanakaw lang din sakin nung January. Angkas, Sucat to Bacoor, angkas bacoor to Cainta Rizal. F2F meeting. Ayon. Ganun talaga ang buhay.
Life goes on. Depressed na nga dami problema nakikita ko pa myday ng jowa ng holyweek. So nasa Balayan ako. Emote emote.
Nakita si Ex. Nagbirthday. Ewan, d ko man lang naiyak si Mister. Malakas ang kutob ko na kami pa.
Ayon. Jinikass ni Misis. Nagparamdam!
Topak lang talaga. Kaya ramdam ko eh. Pero ayun. Sabi na. Kami na siguro hanggang tumanda. Bahala na.
So halos okay na.
Ang bills na lang talaga for this April.
Hindi namin alam kung anong update. Dahil di rin kami nila masagot. At di sila masagot ng station kung kelan ang susunod. Ilalahat na ba? O tatanggalin na ba kami. Ewan. May na oh!
Kaya hindi rin ako masyadong ginaganahan sa bagong show kasi... Kelan ba 'to ulit?
Madedepress ba ko ulit next month? Baka December na problema pa yan. At bakit parang kami ang nanlilimos sa bagay na pinagtrabahuhan namin? Tapos mamarkahan pag nagreklamo?
Ang unfair ng buhay. Wala kasi sila sa laylayan namin. Pero... Sabi ko nga lagi...
I never doubted God's power.
God will make a way. Where there seems to be no way. Sabi nila Hope is the most dangerous thing to loose. But Faith is.
Oo may plan si Lord. Pero nakakapagod mag-worry how to figure it out.
Alam kong everything will be fine. But please pray for me to make it very soon. I hope you are too. Let's just be strong. And keep the faith. In Jesus Name 🙏🙏🙏
Haay...
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!