Lockdown... Day 9...
Haaayyy...
Babala: Mahaba-haba ito...
Wooo! I miss my Home! I miss house of applause!!!
Dati-rati pag nandito ko ang saya-saya, nakakalimutan kong caviteƱa girl ako na unporgetabol. Pero damn! 5:30pm pa lang ghost town na!
Kung may sasakyan lang akong sarili. Ayoko namang 24hrs maglakad at mag-tour sa tagaytay nang walang tao. I miss everything! Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang trabaho ko, ang sahod ko, ang bahay ko, ang kuwarto ko, ang unan ko, ang kama ko, aircon ko, ang beauty products, ang bidet ko!!!
Hindi naman makainom, hindi makaalis sa labas ng barangay, hindi makainom dahil liquor ban, nahahawa na nga ako sa accent ng mga tao dineh ha!
Hiyang hiya na rin ako maging palamunin at kargo dahil nga wala naman akong kinikita...
Nabilang ko na ang tiles dito, nasaksihan ko na rin ang pagpapalit ng gabi paumaga, umaga patanghali, hapon pagabi, hanggang paumaga uli. Nakailang season na ko ng series na natapos, pero hindi ko alam kelan ito matatapos, ilang Pinoy Klassik Films na rin kami na kabisado ko naman ang istorya pero tinututukan ko pa rin, natikman ko na lahat ang cooking ng kaibigan ko, pero hindi na ko makapagpatikim ng cooking ko (and yes, double meaning yun), nakapagTiktok na ko na noon ko pa ginagawa, nakapagTala na rin ako ng never ko sa hinuha gagawin, nakabuo na ko ng ilang biritan album sa WeSing, naputulan na ko ng netflix at bumili ulit ng bagong account, nakipagbati na ko sa kaibigan kong bi-nlock ko dati, namatayan na ko ng classmate, tatay ng classmate at colleague na di ko man lang madalaw-dalaw ang burol, napanood ko na lahat ng category sa pornhub at xvideos, (kung pano ko na-access, PM is the key,) naaway kp na lahat ng dyowa ng mga dyowa-dyowaan kong may hawak ng fb account nila kahit alam kong I'm doing them a favor para mapigilan silang mabuntis nang maaga, napanood ko na lahat nang mga nagla-live show online, nagpuyat na ko nang higit 24 oras nang walang ginagawang makatuturan, kundi ulit-ulitin ang mga ito, (Gigising, kakain, manonood ng TV, magne-netflix, nood porn, bayis, tsaa, tapos tsa-e, internet ulit, uumagahin, mauubos ang isang kaha ng yosi, tapos makakatulog, tapos gising ulit)
Halos ayoko nang makibalita sa nangyayari sa bansa dahil mas lalo lamang akong ma-stress, dahil may balita sa News, may bali-balita rin na hindi sinabi sa News pero paulit-ulit lang na matatakot ka. Paulit-ulit lang na lolokohin ka ng mga manloloko, paulit-ulit kang gagamitin nang mga manggagamit, paulit-ulit kang aagawan ng paglain ng mga buhaya, at paulit-ulit lang na may sasabihin ang taumbayan at netizen dahil walang tama, lahat kasi may tama, lahat may opinyon, lahat may nakita, dahil lahat may itinatago at may pinoprotektahan.
Sa loob ng apat na taon ko sa pagiging manunulat na inasam ko sa loob ng siyam na taon sa mundo ng telebisyon, na pinagkadalubhasaan ko (daw) ng labinlimang taon... Napagod ang utak ko kakaisip sa lahat (kakainin ko, kakainin ng pamilya ko, kelan ko makikita mga kaibigan ko, ipon ko, budget, future ko, lovelife, sexlife, sarili ko) kaya naman... Nag-asam ako ng pahinga.
Pero hindi ganitong pahinga. Pahinga na nakakulong. Pahinga na may takot. Pahinga na may gutom. Pahinga na may bangayan at ingay. Pahinga ba yun??? Makakapahinga ka ba nun?
Pero pagkagising ko, ganun pa rin naman ang lahat, uulitin ko lang isipin ang LAHAT-LAHAT.
Wala pa rin akong magagawa. Wala pa rin tayong magagawa. Wala pa ring nakakaalam kung kailan matatapos ang lahat nang ito.
Pero sa oras na ito bigla akong napaisip. May bagay akong nakalimutan. Ang magpasalamat. Dahil buhay pa pala ako! Sa kabila ng lahat ng takot nakukuha ko pa ring tumawa at maging masaya. Day 9 pa lang ito, may kulang-kulang pang tatlong linggo o baka humigit pa pero huwag naman sana.
Oo wala akong magagawa... Sa nangyayari ngayon, hindi ako makakatulong sa mga nasalanta dahil gipit din ako. At baka kapag nagbigay pa ko ng opinyon ko magpapahaba lang ng isa na namang diskusyon at sakit ng ulo.
Pero meron pa pala. Ito ay ang MAGPASALAMAT sa Panginoon, MANALANGIN, at MAGTIWALA. Hindi ako nagpapakarelihiyoso dahil sa ganitong oras ng kagipitan. Dahil iyan na lang ang magagawa ko. Iyan na lang maiaambag ko. Bilang Kristiyano, bilang Pilipino at bilang isang tao.
Paulit-ulit man ang mangyari sa buhay magkakaroon tayo ng PAG-ASA. Pag-asa sa Kanya. Because I never doubted His plans. Sabi nga sa isang series: "Hope is the most dangerous thing to lose." Mali man ang weather forecast lagi ng P-A-G-A-S-A, I always know He is the only Who doesn't give false hopes.
Sa ngayon ito lang ang magagawa ko. May magagawa pa ba kong iba??? Mamamatay lang ako kung pipiliin kong maging maging malungkot. Kaya magtiis na lang. Yun lang ang magagawa natin. Para sa akin sapat na iyon.
Ikaw, anong magagawa mo??

Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!