Sabi ko sa inyo... Tama ako!
Haaayyy...
Matagal tagal na rin pala na di ako nag-update. Napakadami nang nagyari. Wala na si B. May dumating na dagok sa buhay ko. Dalawang bwuan matapos ang last post ko prior to this. Sa buwan na rin na yun pumanaw yung taong nagalaga sakin at itinuring kong nanay. Naubos yung napanalunan ko sa killer karaoke dahil nabawasan na sya dahil pinangakuan akong makakpunta ko ng Japan pero d rin natuloy. At ito na nga.... Writer na ko. Nang totoo.
Matapos ang dagok sa buhay ko, blessing in disguise naman yung hindi ko pagpunta sa Japan. Part na ko ng Sunday Noontime Show. Comedy sya, sa una parang di ko keri kasi parang nangungulelat ako at di makasabay sa mga kasamahan ko. Dumating pa sa time na parang karapat-dapat ba ko sa posisyon. May mga panahon din na, may mga taong nagpapaapekto at nagsasabi sakin na di ko desrve dun. To cut the lig story short, eto na ko ngayon. Nagsucceed naman ang mga past segments ko awa ni Lord. Sa wakas kinilala rin nila na at ng sarili ko na I can really write. Pinakita ko naman na hindi man ako magaling sa recitation, lalaban naman ako sa examination. Ewan ko ba, bata pa lang ako nakalagay na sa card ko lagi na LUMAHOK SA TALAKAYAN NG KLASE kasi nga lagi akong tahimik. Ewan, ako kasi yung taong hindi talaga komportableng nagpapakitang gilas sa harap ng mga tao. I always been playing like a dark horse. I love surprises. I dont wanted to be predictable. Gusto ko maging malalim pala ko kahit sa tingin nila ang babaw ko. Mas gusto kong pinagtatawanan ako kasi hindi nila magets yung sinasabi ko till it ended up na... O DIBA? SABI KO SA INYO TAMA AKO.
Ewan ko ba? Personality ko ata talaga yun. Hindi ako sanay talaga na makipag-argue sa moment na yun kasi lagi na lang sa panahong yun magmumukha kong tanga kasi simple lang, HINDI AKO MARUNONG MAG-EXPLAIN. HINDI AKO MARUNONG MAGKWENTO SA HARAP NG MGA TAGAPAKINIG PARA MAGSALITA SILA INSTEAD OF MAGTATANONG SILA NG.. "PAGKATAPOS?"
Selfish nga ko siguro kasi ayoko naiinterupt lalo na pag nagsisimula pa lang ako. Kasi bakit mo nga ba naman ija-judge yung isang bagay ng hindi mo pa nakikita yung finish product. Ewan. Hindi ko rin kasi alam kung anong magiging finish product. Mali ba yun? Basta alam ko naman magiging maganda. Dahil kung hindi, sa simula palang, aatras na ko. Pero yun nga, ending. SABI KO SA INYO EH. TAMA AKO.
Kaya lang pag alam ko naman sa simula palang, nape-preempt na nila agad kahit unpredictable nga ko, yung pagsisimula ko na may mga comment agad na ALAM KO NA YAN at hindi magpapakita ng interes sa ginagawa ko, deadma, kung may mga tao pa rin na tsismosong may tiwala at curious sa finish product ng ginagawa ko or nag-aabang na papalpak ako... Ginaganahan pa rin ako.
Ayun Praise God! Nagbunga na rin ang pagkakapahiya ko palagi yung magmumukha kang walang gawa. Siguro kung mahina lang takaga loob ko, wala na kong trabaho ngayon. Aba sa 9 years ko anng pagtatrabaho sa network na to. Oo, siyam na taon na, believe it or not! Sa siyam na taong pagiging loyal sa puso ko, sa siyam na taon nang Reginian ako. Sa siyam na taon nang umaasa pa rin ako na itong network na to magiging loyal sakin. Siyam na taon nang maging alipin sa produksyon. Siyam na taon nang on and off ang trabaho. Siyam na taong minsan wala, minsan meron. Siyam na taong minsan sikat nasa TV, siyam na taong alipin ng mga namamayagpag na komedyante? Siyam na taong walang respeto ang mga kapatid at magulang dahil breadwinner ka, tapos Bum ka. Siyam na taon anng walang SSS at Health Care. Benefits. Sang sakong bigas. Haay... Sana kinagat ko na noon siyam na taon ang nakakalipas ang isang opportunity din sa network na to. Ganda ko nun! Dalawa ang offer! Kaso mas pinili ko maging manunulat kahit nung time na yun hindi ko alam kung manunukat nga ba ko, hindi ko alam na it will take 9 years for people to realize hahahaha! Pati sarili ko. Pero bakit ko nga pinili ang Scriptwriting Workshop nun kesa sa pagiging Admin? SABI SAYO NAY EH TAMA AKO!
Sa siyam na taon ko din naman sa kumpanyang ito ibang kumpanya pa ang nagtiwala sakin. Pati nga catering hindi nila ko inuunang bigyan ng pagkain at pinapapila pa ko, kung tratuhin ako akala nila researcher pa rin ako. Hindi nila ko pinapakain ng espesyal. Hahaha babaw! Gone all the days na sisigawan ako over the mic sa na maraming nakakakita. Kung di ko naman siguro napaPatok yung segment ko feeling ko wala pa rin naman sila tiwala sakin. Pero diba nga? Sabi ko sayo Tama ako! Alam ko ang waley sa havey. Hindi man ako simbilis ng mga komedyante na kasabay ko pero malalim ang punchline ko noh!
It took me 9years para maachieve ang hindi pa naman masyadong achievement dahil may mga panahong hindi lang traffic sa edsa kundi bootcamp ang pinagdadaanan ko bago ko naging proud sa sarili ko. Nandyan na yung mga may panahong PANO KA BA NAKAPASOK DITO? SAN KA BA NANGGALING? HINDI KA NAMAN MAGALING!
So eto na po yun kung pano ko nakapasok dito.
2007 sa mga naunang post ko dito sa mommythreena.blogspot.com pinalad na makapasok sa 3-pace scriptwriting workshop. Dahil dalawa ang tumawag sakin sa network na kinabibilangan ko, mas pinili ko ito na ilang beses ako sinisi ng nanay ko bakit ginawa ko yun. Yun pa yung mga panahong struggling for being an Octoberian na pili lang ang oportunidad. Dahil pinangarap ko talaga makapagtrabaho sa kumpanyang ito sabi ko sa sarili ko, TITIISIN KO LAHAT. Napakadami ko namang tiniis. Dahil mahirap maging breadwinner lalo na kung pipiliin mo ay ang passion mo (na actually hindi rin ako sure kung yun talaga) over sa sure job na sana sa admin. Kalahating taon ding nagtiyaga para magkaron ng 5k/month at kalahating taon na palamunin ng magulang tiyahin at pinsan ko. Naalala ko lang buhay pa yung tita ko nun she died this year lang April 10 sa kamay ng mga palpak na doktor ng Madox. Haaayyy... Ang nag-iisang tita ko na todo support sakin mula pa nung bata syempre hindi naman kami well-off na pinanganak. Sya talaga ang nanay number 2 ko. Ayun naiiyak pa rin ako pag naalala ko, nadalaw ko na lang sya sa hospital on her death bed na. Well anyways, utang ko sa kanya ang lahat. Isa rin sya sa nagpa-graduate saking sintang paaralan PUP for making me the person I am now. Ang daming struggles pero eto na ko... Ganun pa rin. Hindi pa rin mayaman.
At may pinagdadaanan pa. Napakarami! Sobrang dami. Andyan na yung mga nasundan nyo sa blog ko na to at sa fb. My lovelife. Sa ex-lovelife ko na palagi naman ako lang ang nakakaramdam ng SABI KO SAYO MERON! Pero meron na nga sana. Pero ayun, napikot na si Kenneth, ito naahas naman.
Kahit naman sabihin kong MERON. Isa lang sasabihin sakin ng bank account ko SABI KO SAYO.. WALA TALAGA EH!
Ganun sila lahat. Dumating pa sa point na nagkita kami ng kalivein ko dati na nagkaubusan ng savings na worth 50k. Ayun, nanalo ko ng 60k sa Isang game show sa TV pero ayun. Nagkaubusan pa rin dahil nga akala ko makakapagJapan ako so mega withdraw ko agad agad ng 25k. Dahil wa akong karir that time unti unti na syang naubos. Tapos wala na! Galing ko noh? 2years sa bangko yun nawala ko lang yung passbook pero nung nakita ko, naubos ko rin at syempre. Hindi pa rin ako nakakaipon. Sa Ate Joan ko na alng siguro talaga yung pinakabonggang bangko na hindi ko talaga mawi-withdraw dahil masungit ang teller, na siya rin mismo. Buti pa sya.
At ayun matapos ang epic fail na pangarap kong makapagJapan, hindi na pala matutupad yun dahil nadiscover ko na hindi na nga ako magiging normal as ever. Why? Basta. Baka hindi ka rin maging normal pag nalaman mo.
BLESSING-IN-THE-SKIES sabi nga ng iba, ayun I now belong to a creative group na awa ni Lord One year nang nasa ere at ayun anniv namin this month. Isang taon na kong opisyal na writer na until now hindi ko pa rin alam kung nakakapagsulat ba ko NANG MAGANDA. Basta alam ko hindi ko talaga alam kung anung gagawin ng kamay ko , hindi kasi ako nag-iisip, kusa na lang syang gumagalaw. Ewan kung maituturing bang paraan ng pagsusulat yun. At hindi lang basta writer ha. Comedy Writer!!! Which is more challenging. Ang nasulat ko lang namang play is puro adopted lang ng Sa Ngalan ng Ama ang first drama play ng Teatro Komunikado (Na hindi Kinilala) ewan nalaman ko na lang na yung Theatre Org ko nun sa PUP bukod sa nagsisipagBaklaan na yung mga anak-anakan ko eh 15 years na pala nagAnniv. So ewan kung anong ambag ko dun bukod sa pagiging busy ko at sa hindi nila pagkilala sakin Charot!
Hindi ko naman talagang gusto makilala. Gusto kong sumikat at maging artista pero lately ko na lang narealize yun at yung iba sinasabing dream come true daw yun. Baka dream come true? Iba naman yung gusto sa pinangarap. Ewan ko ba. Hindi naman ako sure sa lahat ng bagay. Actually hindi ako maruning magkwento. Hindi ako magaling magpatawa pero marunong ako. Hindi ako natural voice kumanta pero magaling akong kumanta. Hindi rin ako magaling umarte pero alam ko kung pano yung emosyon. Actually, hindi ako talaga sure sa lahat. Kung may magagalingan sakin, Thank you very much! Kung may hindi, wala naman akong sinabing magaling ako. At hindi na ko magiging magaling. But that's another story.
Alternate naman ang pasok ng swerte sakin. 2009, start na maging researcher sa gma, 2010 Diz iz it days, natapos, lumipat ng cavite, start maging comedian, isang kahig isang tuka. 2011 andun lahat, perfect ang trabaho, nanalo ko ng ipad sa raffle, merry ang christmas. 2012 ayun downfall, hindi masyado. Medyo yung sweteng napanalunan na iPad, nanakaw. Nawala ang show, naghiwalay kami ni Kenneth na ka-live-in ko. Ayun wala balik komedyante, raket-raket. Minsan meron pero madalas, wala. 2013, huling show ko sa GMA, nagpunta ko ng Coron Palawan, nanalo na ko sa Game Show. Pero wala pa rin. 2014, wala masyado. Naging kami ni Romnick. Ayung last blogpost ko, at yung last year na nagbonggang birthday pa ko sa resort. Masaya saya pa kami nun. Pinaghirapan ko yun eh, sakin lumaki yun eh. Ayun na nga.p maya ko na ikukwento. Pumasok na si Sunday Pinasaya. Co-produce ng GMA so half-blooded kapuso ako. Me mga paglabas sa TV, me maganda bayad. Me exposure lang.
Mahirap din ang napagdaanan ko bago rin ako nirespeto. Pero sa ngayon, masasabi ko na NAKAKAPAGSULAT NGA AKO. NAKAKAPAGPATAWA NGA AKO. NAKAKAKANTA AKO. AT MAGALING AKO. SABI SA INYO EH. Pero di ko naman alam hanggang kelan. Kagaya ng Lovelife ko. Eto na yun!
Previous post ko April pa last year! Buhay pa si Tita. Yung pag-asa ko na binbuhay ko din na mamahalin nga ng isang straight ang isang kung tawagin na ngayon ay Transgender. Sinubukan ko rin namang magpakalambot. Naghormones kaya ko! Pero nasa utak ko pa rin yung sinabi ng friend kong Robot (retokada) na Maganda ka naman, palagi ka nilang iniiwan. Wala ka kasing suso eh! Pero kahit naman marami na siyang pianagawa, isang beses umiiyak siya sa bahay nag-aya uminom ng tanghaking tapat kasi yung 20years nyang relasyon pinagpalit pa rin sya sa babae. Sila pa rin! Akala ko rin eh! Akala ko rin!
Akala ko rin magtatagal kami! Halos tatlong taon din kami. Si kenneth halos dalawa. Akala ko rin tatanda kami ni Kenneth nang magkasama. Akala ko naman pati din ito. Ewan, siguro kasi napikot na si Kenneth. Si Mahal. Eh si Bee? Napikot din ba? Ewan. Bitter pa din ba ko?
Mahal ko pa? Ilang buwan lang nakakaraan bago ko pa hiwalay. Si Bee, nagkita kami ni Mahal. At hiningi ko kay Lord yung sign. Na kapag nakita ko siya sa pinagtatrabahuan nya after 2 years, hindi ko na susuyuin si Bee. Akala ko kasi noon, siya na. SABI KO SAYO EH NAGKAMALI LANG AKO NON!
Bakit ba ang lalaki, kapag nagkaanak na sa babae, nasa tama ang buhay nya. Bakit pag bakla ka, ipinagpalit ka sa babae, okay pang. Babae yan eh! Anong laban mo? Kasi tama? O mas tama ba na ako ang piliin nya kasi gaganda buhay nya sakin? Ako ba gumanda buhay sa kanya? Masaya naman ako. Masaya nga ba ko? Masaya din nga ba sya sakin non? Masaya nga din ba sya ngayon? Kung namimiss ko sya ngayon kahit may bago na ko, at opisyal na sila ng bago nyang "babae" ngayon, tama na ba to? Namimiss nya rin ba ko? O kahit yung buhay na meron sya nung kami pa.
Life is a matter of choice. Kung ano raw ang pinili natin, ayun daw ang buhay natin. If we chose to be happy. Happiness is a choice daw eh. Eh pano kung may kasabihan ding Some Good things never last. Ewan, wala namang nakakausap kay Lord kung ano na ba ang stand nya sa Same Sex Marriage aside sa Bible. Kung mahal nya na ba kaming mga beki na nagmamahal ng lalaki. Pinagpapala na ba kami kahit sa katakot takot na good deeds at tinanggap na namin Siya sa puso namin, kasalanan pa rin ba ang magmahal ng kapwa mo lalaki o babae? Mapupunta pa rin ba kami sa impyerno kahit ma-baptized na kami. Walang nakakaalam. Ayoko naman din magpanggap sa bagay na hindi ako kagaya ng pagmahal ng babae, dahil baka naman kasi magkasala din ako kasi pareho pala kami ng kinakain. Or sa pagpursue ng happiness naming mga beki, kahit taong simbahan ka na at tumulong ka na sa lahat pati buhay mo spat buhay ng pamilya mo at ikaw nang sinaktan, pag namatay ka makikita mo rin sarili mo sa impyerno sasabihin sayo ni Lord. SABI KO SAYO EH!
Napakaselan ng bagay na yan. Religion na yan eh, hindi ko na nga alam kung sino at ano ang paniniwalaan ko. Pero naturuan naman ako ng tama at mali. Magsisi man ako sa bandang huli.
Hindi pa man huli kahit nararamdaman ko na ang pagsisisi pinagpapala pa rin ako ni Lord. Nangangahulugan bang pinatawad nya na ko at pupunta na ko sa langit? HINDI KO MASABI.
Hindi ko alam kung hanggang kailan itong trabaho ko, o swerte lang ba to o next year iba na naman kapalaran ko, o hindi ko alam kung aabot pa ko ng next year at may maisusulat pa ko dito.
Basta malapit na naman ang birthday ko. Trenta na ko duh! Sabi ko nun 28 years old ako dapat may bahay na ko. 30 dapat may asawa na ko. Kami pa ni Romnick nun sabi ng anak-anakan ko "Bakit? May bahay ka naman na. Yang bahay palakpakan. May asawa ka naman. Verbo na nga apelyido mo." Kung san lahat eh pagpapanggap lang naman hindi naman sakin tong bahay at hindi naman kami mag-asawa. Bago ko magbirthday last year, nasa motel kami. Inamin nya sakin na may nangyari na sa kanila nung jowa nya ngayon na "babae" (bitter na kung bitter pero promise chaka talagang babae) tinanong ko siya. "Bee, kung babae ba ko aasawahin mo ko?" Sagot nya: "Oo naman... Kung babae ka lang..." Kaso 18 sya nun hindi ko alam kung ano ba ang naiisip nya. Dahil na rin siguro sa pinagdadaanan ko na alam na niya. O may nararamdaman na rin sya sa babaeng yun at nawawala na yung pausbong na nararamdaman nya sakin. MANIWALA KAYO SABI KO SA INYO MERON NGA. Eto na ako ngayon. Nakahiga sa tabi ng taong Mahal nya nga daw ako at Nainlove daw sya sakin. Dalawang bwan lang naman kami nawala ni Bee naging Bae ko na sya. Ewan kung sinabi ng friend kong si Franco nung tinanong ko, bakit hindi ako nabaliw nung naghiwalay kami ni Romnick kagaya ng pagkabaliw ko kay Kenneth. "eh baka hindi naman talaga umabot sa pagkabaliw mo kay Kenneth" O napaghandaan ko na, pero syempre nadudurog na ko nang unti-unti. Kaya pagdating dito sa bago ko, hindi ko na alam kung magiging buo pa ko. Kaya hindi ko siya magawang mahalin nang buo kasi... Wala nang natitira sakin.
Okay naman. Happy pa. Live-in ulit. Pero lahat, may taning, may comparison, lahat may kaba, lahat walang tiwala, lahat temporary, bawal mangarap kasi anytime matatapos din. Hindi ko alam kung magiging unfair ako. Lalot pumili naman ako ng hindi ko tipo ng lalaki. Sa dami ng naranasan ko. Eto. Minsan wala na siyang lugar kasi nga minsan napaptunayan ko... SABI SAYO EH: palabas lang lahat, intro lang yan, gagamitin ka rin niyan, hindi ka mamahalin ng totoo... Lahat ng oaghihinala at pagiging pessimistic ko nabuhos ko na sa kanya, may mga pagkakataon pang nasasaktan ko na siya. Maiba lang. Hindi naman sya tipo ko eh. Pero mahal ko ba? Oo.
Pero hindi yung nakakabaliw. Hindi yung aasa ng hanggang pagtanda. Kung mapikot okay lang ready ako. Pero as of now, nasanay akong katabi ko siya. Oo may mga bagay na napapatunayan kong mali at napapatunayan ko lahat ng pero. Pero... Tama na siguro yun.
Inaamin ko pag nandiyan si Kenneth at Romnick magiging pagirl na naman ako at kikiligin. Pero kung makikita ko si Bae na umiiyak. Masasaktan siguro ko. Mahal ko na to eh. Pero hindi ko alam kung hanggang saan to aabot, o aabutan ko pa ba? Ilang beses na kami nag-away, ilang beses ko na pinalayas. Ayaw umalis, nahuhulihan ko pa rin na binabalikan ang nakaraan. Eh di balikan ko na rin, at least hindi ako masasaktan. Iba pala talaga ang KARELASYON sa KINAKASAMA. Hindi ko alam kung anong mas matibay, kasi 5 months lang naman kami ni Kenneth nun. Malapit na tong mag5 months kaso ang sumpa ng karelasyon ko 1 year lang, nagkakasawaan na agad, si Daddy, si Kenneth, si Romnick. Ewan ko din kung aabot to ng isang taon. Bahala na. SABI KO SA INYO EH MAHABA NA. SO SAKA NA YUNG IBA.
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!