How do I unlove you?”
Haaayyy...
Hindi ba sya naging masaya sakin? Lahat ng gusto nya binigay
ko hanggat kaya ko. Hanggang sa walang nang natira. Pasalamat na nga lang ako
sa Killer Karaoke nagkaron pa ko ng P40,000 ULIT sa bank account ko eh. You
don’t need an explanation siguro. Pero 2 yrs na. No sign of him.. at all. I was
opening my heart little by little to some random guys. Sabi nga ng friend ko
“Baka naman kasi nagiging unfair ka lang sa mga lalaki kasi ayaw mo nang
magmamahal ulit. Kasi lahat ng makikilala mo iniisip mo kagaya nya, wala nang
hihigit pa sa kanya... Gagamitin ka lang.... Bigyan mo ng chance..” Yung bahay
na pinagsamahan namin hindi na ko nagstay pa coz aside from the fact na wala na
kong pangrent dahil wala na kong matatag na trabaho hindi ko na kaya. Hindi pa
man namamatay yung damdamin ko, minumulto na ko ng alaala nya. Alaala ko na
kasama ko sya. Mas nakakatakot pa kesa totoong multo. Mas na madugo pa sa
totoong sugat. At mas nakakamatay pa sa totoong sakit. And in the middle of
opening my mind and my heart to a new chapter of my extinct heart that was
formerly beating just for him, biglang may tatawag para malaman kong nandito
sya ulit. Habang nakahiga ako katabi ang isang taong hindi ko kailanaman
tinawag o tatawaging partner unti-unti na kong nahuhulog pero ayoko nga munang
pangalanan ang nararamdaman ko kasi kokonekta na naman sa alaala ko sa kanya.
Kaya nang sabihin sakin na “Wag kang magagalit, sya may gusto nito..” HELLO pa
lang nya, alam kong sya na yun.
I almost Died.. Everyday.. And I wished I really did..
Watching the film Starting
Over Again by Olive Lamasan mimics my never-ending love story... For a guy
I’ve lived together with at the same house for 5 months had been in the “so-called
relationship” for a-year-and-a-half, and had been haunting me since the day he
left for two years.
Ang pelikulang sa trailer pa lang gustong gusto ko na nang
panoorin pero sa DVD ko lang sya napanood. And now I cried I thought last na
yung pangalawa coz I paused the disc to give myself a break para ihagulgol ang
dalawang taon kong pagdadalamhati sa isang taong minahal ko nang buong buhay
ko. Sa pangalawang paghagulgol ko yun na ang pinakamalakas para pakawalan lahat
lahat ng nasa loob ng nararamdaman ko. Kailangan nang pakawalan at wala nang
dapat itira. I don’t know if fourth or fifth time na luha ko sa left eye na
lang. Naalala ko sa acting workshop namin dati sa cheated cry ayun ang unang
lumuluha. At pag pagod na sa stress sa mga kaibigan ko during my collage days
bigla na lang sya tumutulo nang di ko napapansin.
Palagi kong sinasabi to, people in my life just come and go.
Yung mga nagsstay na lang siguro maximum of 10yrs na lang. But I know I will
just end up being alone.
September 26, 2012 birthday ko nang matapos ang lahat ng
kaligayahan kong isang beses ko lang naransan sa buhay ko. We broke up 2 yrs
ago. Sinasabi ko sa mga post ko nun I hope I’ll get better for the next two
years. At after namin mag-split, he just barged in sa pinagsamahan naming bahay
to pick up his remaining stuffs para siguro matulungan ako na hindi na sya
maalala.
May ilang sumunod, at gustong pumasok sa buhay ko.
Kapangalan nya, kamukha nya. Na kung di ko magugustuhan, aawayin ko. Na sa
tindi ng alcohol tolerance ko dati dala na siguro ng edad ay bumaba, ayon, my
friends keep telling me the shameful things I did dahil sa pagiging emotional
ko na kusang lumalabas sa lasing kong utak ang lahat ng gusto kong sabihin
tungkol sa alaala nya.
A year ago, nasa Coron ako, mga gantong buwan din. After a
year since he left, bumalik sya sa place na tambayan namin, kung saan ko sya
nakilala, kung saan ko sya hinugot para bihisan. We always know our part. Isa
kaming indvidual volunteers na DSWD para maging caregiver sa mga lalaking nangangailangan
para sa aming mga baklang nangangailangan din ng aalalagaan at hindi sadyang
mamahalin ng lubusan. Tumambay sya last year para ipangalandakan sa mga taong
tropa namin na totoong minahal nya ko. Good thing I was in Palawan. Pero nung
tinawag sakin yun nagflashback lahat, ang isang taong inove on ko para hindi na
ko lamigin, kabahan, nerbiyosin pag nakakarinig ng mga bagay na tungkol sa
kanya. Lahat ng sakripisyo ko, sa pamilya ko na hanggang ngayon sinusumbat pa
rin sakin ang mga nawaldas kong isang beses ko lang naipon sa tanang buhay ko
para akuin ang mga bagay na responsibilidad nya. Hindi pa man kami nagsasama
daig ko pa ang first lady ng Hari ng Padala para padalan ko sya ng pamasahe
from Iloilo para makaabot lang sya sa birthday ko. Pero hindi sya dumating.
Buntis na pala kasi yung babae. Hanggang sa naging totoo na nga nag-aral sya sa
probinsya.. Ahem.. Pinag-aral ko. At binalik ko dito sa Manila para makita nya
ako. Syempre ang bagong panganak na anak nya... DAW. Nagsama kami nagturingang
mag-asawa na dapat 1 week lang hanggang sa umuuwi uwi na lang sya kaya umabot
ng 5months bago nya ko iwan sa birthday ko mismo.
“Yung kailangan mong
paggising mo isang araw bakit nagbago lahat. Bakit wala na sya? Bakit mag-isa
ka na lang? Hindi mo alam kung a nong nangyari. Bakit ka nya iniwan?
“Minsan pinipilit ko
yung sarili ko na makatulog para di maramdaman ang lungkot. But everytime I
wake up halos ayokong idilat yung mata ko kasi tuwing magigising ako, isang
araw na naman ang kailangan kong tiisin na sakit.”
“I hope I’ll get
better maybe after two years.”
At ayun. Sabi nga ng nabasa ko sa online novel.. “BINUHAY NYA MULI ANG DAMDAMING
PINAGHIRAPN KONG PATAYIN.” Pero hindi na ko masyadong nerbyos, kabado. Niyakap
ko lang ang katabi ko na nung isang gabi lang binigay sa akin ang kaisaisang
bagay na hindi nya binigay sakin. At natutuwa ako, kasi hindi ako tumayo para
puntahan sya dahil nagpupumilit syang gusto akong makita. Pag siguro buo na ko
at buo na ri sya na talagang hindi nya
na kailangang umasa at hindi na sya ander de saya sa kinakasama nya at sa kinikilala
nyang anak.
Facebook Status: Today
I won the battle between my head against my heart.
“Akala ko kaya ko..
Nagulat na lang ako sa sarili ko na unti-unti ko naramdaman na hindi pa pala.
Parang bumabalik lahat ng sakit, galit pati na ng pagmamahal ko sayo. ..
Akala ko panalo na ko. Inuna ko ang trabaho ko kesa
makipagiyakan lang ako sa kanya. Palagi namang tanong sakin ng mga kaibigan ko
pag halimbawang makita makasalubong ko sya. Kako tatakbo ko. Kais di ko pa sya
kayang makita. Hindi ko pa sya kayang harapin.
Makulit kasi sya talaga. Pag dumating daw ako hindi na raw
sya uuwi nang maaga. Masungit pa naman ang asawa nya. Ikaw ba naman ang
pikotera at nakakuha ka ng magandang lahi pakakawalan mo pa ba? Sabi ko kung
gusto nya kong makita eh di puntahan nya ko sa bar.
Sarap ng byahe pag linggo walang traffic, hindi ako late.
May time pa ko para hindi mahagard. Sasampa na la ng ako, nang malaman ko na
ayun. Sumugod nga sa bar. MAHIRAP SIGURO KALABAN ANG KUNSENSYA. At eto na nga
ang napakabanayad na pakiramdam kong two-years-in-the-making, naglahong parazng
bula at the sight of him. Lampas pusod lang ang stocking ko pero parang feeling
ko hanggang leeg kaya di ako masyadong makahinga kumpara sa tatlong layer sya
na kompurtable kong suot suot. Hindi ako makapagfocus. Hindi ako makakanta ng
maayos. Hindi ako makatanaw sa pwesto nya. Nakilang kanta pa ko bago ko
nagkaron ng balak na tabihan sya. At ang bungad nya sakin, kalimutan ko na yun,
move-on at matagal na yun. Ang dali lang kasi para sa kanya. Bakla lang kasi
ako. SObra pa sa salitang sobra kung magmahal. Hanggang sa yun, hindi ko naman
sya simumbatan pero sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Until I found myself
na inaamoy ko na yung kilikili nya na namiss kong halik-halikan. Ang tyan nyang
nakakapagpakalma sakin pag niyayakap ko. At ang mata nyang napapapikit ako pag
tinititigan ko kasi para syang projector na nagplayback lahat ng nararamdaman
ko. WALANG NABAGO. MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SYA.
And he missed me. Nalaman kong 2years na rin sya sa work.
Maganda na ang cellphone pero syempre hindi ko pa rin alam ang number. Kung
anoman wala na kong pake. Matapos ang lahat ng pagkukwento ko sa napagdaanan ko
since he left... Bigla na lang sya nagsalita...
“Bakit kasi ako pa?”
“Bakit nagi-guilty ka na ba?”
Dalawa naman kaming may kasalanan. Umasa ako. Nakinabang
naman sya. Hanggang sa nararamdaman ko lang at hindi feelingera lang na mahal
na namin ang isa’t isa. Sa mga pangalawa sa huling halik nya sa kin sa labi
nung nagsasama pa, nararamdaman ko yun sa halik nya sa labi ko, hindi man
torrid pero madiin at may humming na masaya syang hinahalikan ako bago sya
pumasok ng trabaho, at alam kong hindi lang dahil sa pamasahe nya nainabot ko
dahil masaya sya nung araw na yun sa piling ko. Sana doon pa lang, nakuntento
na ko. Sana hindi ko na naisulat yun ngayon....
Nung tinanong ko sya kung anak nya ba talaga ang batang
kinikilala nya, hindi pa rin sya sure. Pero kung mapatunayan man na hindi
talaga kanya yun, sabi ko handa akong tanggapin sya ulit. Yun ay kung babalik
pa sya at malaya pa ko. Pero hahanapin ko muna yung pikoterang babae para
mabuhusan ko lang ng tubig o masampal ko lang ng isnag beses pero sa likod ng
kamay.
Naging masaya ko sa kanya, dahil kahit papano sa kanya ko
naramdaman ang pagmamahal na inani ko sa pagtatanim ko nang matagal na panahon.
Ang mga lalaking sumunod sa kanya agad agad nagpakilala ng sarili at nagbigay
lang sa akin ng dahilan para lalong masira sakin ang tiwala ko s alahat ng
lalaki. Ang una na medyo sing katawan nya ginagawa akong scholarship
awar-giving body. Ang isa naman na kapangalan nya ginagawa akong recruitment
agency. Ang huli na kahawig na kahawig naman nya eh ginawa akong Practicum
Trainor para matupad ang pangarap nya at awa ng DIyos umaming paminta. Wala na
nga siguro kong makikitang gaya nya. Sabi nya sana maging masaya kami bilang
magtropa. Pero dapat patunayan nya yun. Magtropa na lang kami pero malambing pa
rin ako. Yayakapin at hahalikan ko pa rin ang leeg nya, aamuyin ang kilikili
pero mamahalin ko pa rin sya. Hindi ako
aasa pero laging bukas ang puso ko para sa kanya. Pero binuksan nya at
nagpaduplicate nang marami para sa iba. Thank you for letting me love you...
“Sana masabi ko sa
sarili kong tayo pa rin... na walang nagbago...
Kaya ngayon
naintindihan ko na kung bakit nating kailangan magkita..
CLOSURE...
Para maging buo tayo
ulit... Para maibigay natin sa taong mahal at mamahalin natin ang pagmamahal na
dapat para sa kanila.
HOW DO I UNLOVE YOU?
Hindi ko alam kasi
para sakain I can never unlove you. I just love you in a different way now...
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!