A conffesion of a not-so-so Comedian

Haaayyy...
This is supposed to be my post to Stand-up COmedian Elite Circle pero napahaba na sa kasarapan ko magsulat... Parang blog na tuloy.. well anyway.. 
Haay.. Bakit kaya ang tumal ng set ngayon?? Nakakainis din minsan ang mga experience sa bar na nakakadown.. Ang akala nila napakadali ng trabaho ng komedyante..  Nakakalungkot isipin nung mga kasimulaan pa lang ng mga namamayagpag na komedyante ngayon, ang konti pa nila kaya hindi pa uso yung 500 na budget... Marami narin kasi ang pumapatos nun, even I... Kaya marami na rin ang basta basta na lang ang turing satin. May mga policies pa na kailangan may bitbit kang guest para buo ang budget. Napatupad na rin ang Quota-quouta para maging buo ang budget, kung dati, kalatas lang pag late. Nauso din ang primetime. Good thing nagstart ako as impersonator kaya gamay ko din naman yun, kaya lang nakkasad kapag pareho lang ang rating ng primetimer na comedian sa hindi. Pero kapag chika ka na, birit ka na, primetimer ka pa, wala man lang additional sa budget.  Nakaka-sad ng sobra may mga time na pakakainin ka na nga lang ipagdadamot pa... Isa pa dun na isa sa pinakamapait na naranasan ng gaya ko yung pagpapatupad ng half budget at kung minsan pag walang tao, aabutan ka lang ng pamasahe.. I dunno. Hindi naman ako against sa jamset kasi nakaktulong yun sa training ng isang baguhan.. Kaso pag nasanay sa mata ng mga staff or may-ari, inaabuso na na wala man lang konsiderasyon hanggang sa pagkain ihahati pa sa kung sinong nakaschedule na performer. Malala pa nito yung ang tingin lang sayo ay Jamsetera. Kaya di ka na titingalaing regular performer kesehodang probinsya pa ang bar. Naging standard pa na parang above minimum na natin yung 500 pesos.. Mamasahe ka, pag sa probinsya ka nakatira, mula alas nuwebe tatayo ka ng nakatiil until ang paa mo ay kasing kapal na ng takong mo- hanggang alas tres ng madaling araw walang puknat ang jokes, magkakadera ka pa, magsuot ka ng tatlong stockings na parang blockbuster kasi now-on-its-second-week dahil wala ka nang time maglaba, lipas na yung gutom mo, tapos pag time na kakain ka na, ubos na yung food para sa performer kaya water therapy ka na lang lalo pag W-ng W ka (walang wala), lalo ngayon summer, may mga raket sa eleksyon, susulutin ka pa ng mga nagbabagsak presyo na ibang komedyante, after ng campaign, ayaw na sa yo ng bar na pinapasukan mo sa dami ng absent mo, mararanasan mo na naman lahat, ang pinakabongga nito dahil night person ka, dahil 37 degrees ng nakaksunog na sun rays, hindi mo magawang magpower-bawi-tulog dahil umaabot hanggang bangungot mo yung init ng panahon, ganda mo kung may aircon ka! 
Bukod sa pagkokomedyante, isa sa raket ko yung propesyon ko sa telebisyon, kaya nga lang pag sapat lang or kapos ang sinasahod mo bwan bwan, hindi ko talaga binbitawan itong larangan na ito. Ang pait lang isipin na yung ipinapahinga mo na lang ipapagod mo ng bongga makapagpasaya lang ng tao kaso parang di worth it... Siguro yung mga tintingala na nating comedian namely, Vice G. Ate Gay, Ethel, Pooh, Chockoleit, syempre si Mama Inday medyo nakakahinga na sila ng maluwag kais may pangalan na eh. Kaso yung mga hindi naman baguhan, at nasa kalagitnaan na rin ng pagsisimula at meorn pang tumanda na rin sa moment na ito dahil mahirap talagang magkapangalan, napakasaklap minsan isipin ng experience na ganito..
Sana lang meron din tayong lisensya sa pagiging isang komedyante. Ang sarap siguro ng may SSS tayo kagaya ng TRIKANSYA ng mga Tryke driver. Sana magkaron ng batas sa atin para hindi tayo naabuso ng bar. Ang mga bakla pa naman ay pawang ipinanganak hindi lang para magpasaya, kundi para umiyak magisa at itaguyod ang pamilyang lahat nakaEndless Love sa balikat natin. Try kaya nating magpasa ng batas para sa atin? Ano po sa palagay nyo admin?

Comments

Popular Posts