Ang bida ang saya ngunit bida rin ang iritang take-out order ko kay Jolibee
Haaayyy...
Dear Mr. Jollibee,
Gusto kong ishare ang nakakatuwang experience ko ngayong araw na to...
Today is February 25, 2013, kakabalik ko lang sa work this year so this is my first ever salary na matatanggap ko sa taon ng mga mang-aagaw... Ang sahod ng isa sa ilang milyong breadwinner na gaya kong isang kahig, isang tuka sa mahirap na pamilyang binubuhay ko.
Bata pa lang ako hindi ko matandaan na linggo linggo kaming bumibisita sa pinakamasayang lugar sa mga batang Pilipino kasi mahirap lang kami. Kaya kapag nagpapadala lang yung tatay kong nasa Saudi dun kami kumakain sa labas.. Pero hindi masyadong masaya kasi minsan, Burger Machine lang, Smokees, kung hindi pa ako lililibre ng mga tiyahin kong mahal na mahal ako hindi pa rin ako makakabisita sa pinakamasayang lugar para sa mga batang Pilipino. Hanggang sa nag-elementary at nauso ang Jollibee Package sa Christmas Party doon malimit akong nakakatikim ng langhap sarap ng mga produkto mo.. At least taun-taon na diba?
Pero mas natuwa akong malaman lahat ng pasikut-sikot sa loob ng produksyon at proseso sa loob ng tindahan mo ng pagkain mula nang magworking student ako taong 2005 sa Jollibee Galaxy Avenida nung 3rd year college ako na naging dahilan para mag-withdraw ko ng subject at maging octoberian ako dahil sa napakagandang schedule na binbigay sakin ng Store Manager2 namin. Kagaya ng bibgyan ako ng graveyard shift na sched from 11PM-6AM at diretsong opening na 7AM-12:30PM kahit alam nilang working student akong may klase sa PUP Sta.Mesa ng 12PM.. Late na nga ako sa klase, travelling time pa.. Sana pinagresign na lang nila ko. Pero naganap naman yun on my 5th month.
But that's another story.. Marami naman akong natutunan sa pagiging mabilis, Always Costumer First, Clean-as-you-go mas kilala sa tawag na Caygo, ang step-by-step na manual na paglilinis ng kubeta sa maruruming taong nagtatrabaho sa gabi sa Avenida bago ako pumasok kinabukasan ng umaga sa school. Ang pinakamaganda kong natutunan ay ang paghihiwalay ng BIODEGRADABLE sa NON-BIODEGRADABLE o Nabubulok sa hindi nabubulok. At doon ko napagtanto na ang karton ay Non-biodegradable at higit sa lahat ang Jollibee daw (ayon sa Production Manager namin) ang nakasira daw sa Hinulugang Taktak sa Antipolo.
After 23 years na pagtira namin sa Manila. Lumipat na kami dito sa Imus, Cavite nung 2010, at eto na nga ang problemang ikinbuwisit at ikinasira ng araw ko. Ang PLASTIC BAG BAN.
Ok. Sabi nga sa Radio Plug, "WALANG PLASTIKAN" Nakapag-adjust naman ako mula nang mag-shoot kami sa Lucban, Quezon nong 2011 may bayong akong. Pero dahil sakop nga kami ng Calabarzon, very strict ang Walang Plastikan Campaign na bawal na din ang straw, plastic container ng yelo para sa lalagyanan ng softdrinks sa sa mga sari-sari store..
Wayback year 2012, lasing ako, at wala nang perang pambili ng Gatorade na pampatanggal dehydration ko kaya duon ako sa tingi..
Ako: Pabili nga ng Gatorade.
Kinuha sa ref ng Tinderaang beki ang Gatorade at binuksan.
Ako: Paki-plastik na lang teh.
Tinderang Beki: Ay teh, bawal ang plastik dito.
Ako: Eh sa bahay ko iinumin eh.
Tinderang Beki: Eh dito nyo na lang inumin.
Ako: Oh sige teh, enge na lang ako ng straw.
Tinderang Beki: Bawal din ang straw.
Ako: P@&%ng*na naman pati straw bawal? Paano ko to iinumin?
Tinderang Beki: Eh di tutunggain!
Ako: Huh! Nakakaloka.
Tinderang beki: Mahirap na noh.l Multa ng P1,5k pag nahuli kami.
At dahil dehydrated na ko, wala akong choice na tunggain ang boteng di ko alam kung ilang maruruming kamay ang naghawak ng nguso at leeg ng boteng napakimportante sa lalamunan ko ang laman.
Napakagandang tignan ng mga consumers na namimili na may bitbit silang patern paper na panggawa ng apron na project ko sa EPP nung grade six ako. Nakaka-Hollywood! Parang sa Cartoons lang na The Simpson ko napapnuod yung ganun. Pero ngayon implemented na sya.
Sa hirap ng byahe ng back and fort ko dahil sa agawan sa bus at napakaluwag na pwede kang magdaos ng Debut Party sa mahabang kalye ng EDSA, napilitan akong mag-upa sa Mandaluyong para mapagaan ang buhay ko. At hindi ko na napamuhay ang ganitong practice. Malayang malaya kaming mamlastik kahit saan kami magpunta. Nakkasipsip kami ng softdrinks o kahit beer na nasa loob ng plastik. Nakakabitbit kami ng groceries na kakainin naming magsyota sa bahay-bahayan namin. Kaya nang matapos ang relasyon namin, bumalik ako ng cavite at doon lang ako naging aware sa strict implementation ng PLASTIC BAN LAW.
Last December din habang kumukuha ako ng contestant sa Variety Show na pinagtatrabahuhan ko, binaybay ko ang Bulacan kasama ang boyfriend ko noon na ex ko na ngayon. Paandar ako ng Mc Donalds, at ako ang nagbuhat ng take-out na softdrinks. Wala na ang plastick SD Bag na dating lalagyanan na kahit matapon ang laman pwede mo pa ulit isalin sa plastic cup na kung anong binili mo either Soft serve o Beverages. Yung pangdalawahang SOFTDRINKS CARRIER na gawa sa karton na bitbit ko from Cubao aurora na hindi na umabot ng Baliwag Terminal dahil hindi ka pa nakakarating sa footbridge, nalaglag na at nasira ang plastic cup ng softdrinks.
MALAMANG, KARTON YUN DIBA? MATIBAY DAHIL KARTON. GAWA SA PAPEL, GAWA SA PUNO. ANG MATIBAY NA SANGA O PAPAEL, PAG BINASA MO NANG BINASA, MADALING MAPUTOL, MADALING MAPUNIT, MADALING MASIRA!!!!!
Madaling masira na nakakadala, madaling masira.. pati araw ko nadamay...
At kanina ngang 6:36 PM, sa Jollibee Lotus, Imus Branch, nag-avail kami ng coupon based na order, na in-short may dalawa kaming coke float, dalawang regular coke. Nanlaki ang mata ko, nagpulpitate ako, tumayo ang buhok ko sa loob ng aking underwear sa kaba nang makita ko ang softdrinks carrier na gawa sa cartoon na naging traumatic para sa akin ang isinerve ng counter na nagngangalang Merliz samin. Isang bayad pero pinabukod kasi magkahiawalay kami ng bababaan ng kasama ko.
At dahil ngalay na ang kili-kili ko hanggang braso sa pagbitbit ng pinamili kong costume na gagamitin ko sa show kinabukasan dahil nga walang handle ang supot na lalagyanan ng pandesal. Naron na rin ang pinamili ko sa Robinsons Imus na gawa din sa papel ang lalagyanan pero hindi naman makakabasa ang laman.
Eto na nga at nakapagtake-out na kami ng kasama kong may kulani na rin sa kili-kili ang isa ring may bitbit ng coke float na libre ko sa kanya at coke float na ayaw kong inumin dahil para kong nakakulong sa CR kinabukasan na nag-aantay ng magpipyansa sakin.
Sa kalagitnaan ng pag-andar ng Jeep from Imus, Bayan going to Malagasang, hayun, ang kinatatakutan kong bangungot na maaring mangyari na napredict na ng frustrated Clairvoyant mind ko. Nawasak ang softdrinks carrier na bitbit ng kasama ko hindi pa man kami nakakababa. Tumapon ang Coke Float na hindi ko maintindihang paborito nya at tumalsik sa katapat namin na nagpa-upsound ng "TSK!" sa amin. Dahil komedyante naman ako napatawa ko sya at nanghingi ng paumanhin dahil inalok ko pa na iibibigay ko na lang sa kanya ang isa sa mga softdrinks na bitbit kong malinis pa at di pa nawawakwak ang carrier pero basa na ang chickenjoy na katabing bitbit ko. Na natatandaan kong nakalagay sa Jollibee Manual na: Deep-fried Chicken to make it Crispy outside and Juicy inside. Hindi na siya crispy dahil nabasa na sya ng malamang umaalog ang sasakyan at nag-eenjoy ang bawat carbonated sugar sa loob para magpalundagan at di makaantay na mapunta sa lalamunan namin. Malamang kinabahan na rin ang Plastic Cup sa nerbyos dahil malamig sya at para matulungang tumabang ang take-out na drinks, malamang naututnaw ang yelo kaya magmo-moist sya. Isang dahilan para maging week na rin ang carrier na karton na nagbabadya ng peligrong ikinakakakaba ko. Mula sa pagiging kalawangin at maalikabok.. naging maputik at naging malagkit ang buong sahig ng jeep na sinasakyan namin. Kumalat ang masa maraming yelo kaysa ice cream na laman ng mahiwagang nakakataing coke float. Congrats sa natapunan ng Ice cream ang mga paa kasi bihirang mangyari yun sa konti ng vanilla mix.
Kahit komedyante kami parehas, maiyak-iyak ang kasama kong sinalba ang isang coke float na hindi masyadong natapon pero nabuksan sya. Gawa na rin ng MOMENTUM + FORCE X DISTANCE= EWAN di ko na matandaan ang Physics ko nung 4th year high school dahil hindi ko yun paborito because it involves mathematical operation dahil nga MassComm ako.
Kesa tuluyang tumulo ang luha nya, ayoko na rin magnobena sa selda ng tiled but dirty naming CR bukas, inoffer ko na yung isang coke float na sa kanya na lang yon. Napangiti sya na parang model ng notebook na spiral.
BUmaba syang payapa dahil sabi nya sa sarili nyang naka-speech baloon pa "Yes! May mauuwi pa din akong Coke Float!"
Nang dumating na ko sa dapat kong babaan sa Maranatha, this time di na ko lumagpas para maglakad na naman ng mahaba dahil hindi ako sanay sa route na yun. Ayun bumaba na ako bitbit ang pasalubong ko sa mga kapatid kong Jollibee. Tiyak matutuwa sila kahit malamig na ang pagkain at maeenjoy ko pa rin ang not-so-Crisp-Outside-yet-Juicy-Inside na Chickenjoy ni Tito Aga. Pero this time, may sabaw na sya ng very light.
Medyo confident na ko sa matabang nang softdrinks na kasama ng coupon-oriented kong order para sa kanila dahil staying alive pa rin ang karton na carrier ng softdrinks.
Sa tagal ng pag-aantay ko ng tricycle papapsok sa subdivisiong inuuupahan namin, mali pala ang kinalalagyan kong lane at hindi suon ang pila at ayun sila medyo mahaba na at malalgpasan na ko ng dalawang tricycle pang hindi pa dumarating, Gutom na rin ako. Kaya napgpasyahan ngkomite ng katawan at pag-iisip ko na lakarin ko na lang. Hindi naman kalayuan...
At habang nakangiti, sa loob ng dalawampu't kalahati kong pagbaybay.. Ayun, sa pagsapit ng ika-dalawampu't isang hakbang ko.. Ayun, Bumigay na ng tuluyan ang P&t@ng!n#ng softdrinks carrier na hawak ko. Napasigaw ang baklang boses ko na hindi ko masyadong nilalabas sa oras na yun kasi paminta ang porma ko kahit nakaleggings akong maong dahil hindi ako nag-makeup nung araw na yun. Nag-reak ang mga di ko namanka-close na kasunod kong dalawang babae. Tumapon sa binti ko, ang malagkit at matabang na coke. Ang medyo magaling nang kulani sa kilikili ko ay umatake ulit sa nakakatakot na pangyayari. Mga ilang seocnds din akong na-absent minded, pero Thank God, nagkamalay pa ko para maisalba ang 3/4 na content ng soda sa loob ng plastic cup ng naiairita kong pang-asar na ngiti mo Jollibee. Parang pati ikaw natatawa ka sa kagagawan ng pamunuan mo. Kaya nasisira ang isa sa mga Philippine Wonders kagaya ng Hinulugang Taktak dahil sa mga softdrinks na kung noong Dining Crew pa ko ay hindi ko basta basta itinatapon sa sink dahil magko-cause ng Pollution. Basta basta na lang siyang kumalat at aantaying mag-evaporate ang acidity ng ng produkto ng Coca-Cola Company. Heto ang kagagawan ng panukalang PLASTIC BAN.
Wala akong choice. Kesa tawanan ako ng dadaang tricycle na lulan ng mga naunahan ko pero sila ang nakapila na mga pasahero, nilakad ko pa din. Wala na kong barya eh. Bakit ba? Naihatid ko na din sa wakas ang pasalubong kong langhap sarap na hindi na fresh at may halong softdrinks na matabang. Kahit pagod ang paa ko, namumutawi pa din ang kalagkitan kaya hinugasan ko na. At sa pagkain ko ng medyo malambot nang dating crispy chicken skin, ang counter mong si Marliz ay sa kasama ko pa naitransfer ang binili kong take-out na gravy na dapat ay free pero dahil take-out kami wala kong choice para ienjoy ko ang napakasarpa mong gravy. At wala rin akong choice para pagkasyahin ang one-ounce-cup para sa sanay-sa-sabaw kong fried chicken apetite.
Kung nung dating counter-crew ako ay nanginginig kami sa takot na ma-costumer care dahil sa take-out na kulang kulang ang items.. Dahil pag na-complaint ka dahil kulang ang binigay mong spoon and fork, tanggal ka.. Mabuti na lang may tomato ketchup kami sa ref naming pag may okasyon lang nabubuksan, sadyang pinamumuhay ni Marliz counter ang Frugality na kasama sa Jollibee Manual for Counter Crew.. Ipinagimbot nya talaga sa kapatid ko ang isang sachet ng tomato ketchup. Porke ba may bigote ako kanina at wala kong make-up, mapagkakamalan mo na kaming sanay sa UFC Banana Ketchup lang?
Dapat gumawa ng aksyon ang pamunuan ng Jollibee Food Corporation sa OR number kong 88517 regarding this. Kung paano magiging eco-friendly ang lalagyanan ng pagkain. Or isa pa sa mga dapat matutunan...
Kung kakain sa labas, mapa-Jollibee, KFC or McDo, kumain na lang don, kaya nga kayo lumabas. Magpa-deliver na lang kung gustong kainin sa bahay... Pero kung promo items lang ang ia-avail, wag na... Or.. WAG NANG MAG-TAKE-OUT or...
MAG-BURGER NA LANG KAYO SA LABAS...
I should make an expose on this coz Im working in one of the Largest TV Station. Isang eye-opener Post lang ito pero sana may magawa...
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!