2 years ago... (a Post-Valentine Post that once a anniversary post)
Haaayyy...
year 2010 nang magbago ang kamalayan, pananaw at kaibuturan ng pag-iisip ko.
Panahon ng pagtatangka sa akin ng mga masasamang loob nang maholdap ako sa unang araw ng taong ito.
Panahon ng pagkawala ko sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Nang makatrabaho ko ang mga tunay na tao sa tpinagtatrabahuan ko at nakilala ko ang isang libo't isang tuwang mga taong plastik.
Iang taon bago ang dalawang taong sinasabi ko naranasan ko ang magkaroon ng karelasyon.
Wala nang ibang sasarap pa sa unang tikim ng, unang halik at ang unang I Love You sa isang taong ka-ON mo. Tunay man siya sa akin o hindi noong panahong iyon, masasabi kong na-enjoy ko ang aking first time, at magpasahanggang ngayon, parang unnang asawa, nakakabit pa rin sa akin ang apelyido niyang Austria. (o diba? hanapin nyo na lang sa mga friends ko sa FB kung sino.)
Binili ko ang apelyido na yun kaya wag siyang umarte.Pero nagpapasalamat naman ako sa kanya na nag-enjoy naman ako sa mga panahong yun kesehodang lokohan lang yun sinabi ko pa rin sa sarili kong "minahal ko ang FIRST BOYFRIEND" ko.
After naman ng ilang buwan, ilang lalaki din ang dumaan. At.. two years ago.. Nagdagsaan sila. Kung kelan naging gwardiyado ko 2 YEARS AGO.
Na-enjoy ko naman. Sabi nga ni Anne Curtis sa pelikulang No other Woman "And I'm Sure the feeling is Mutual..." Habang gusto ko ring rumampa ng naka-snake skin swimsuti sa isang resort which I think napakaimposible.
Napakimposible namang maging Other woman lalung lalo na kung ipinanganak kang OTHER MAN. Mas kabog pa rin ako 2 years ago dahil naranasan ko ring maging NO OTHER GAY. Mahirap na masarap.
pero mas marami ang hirap. Sa umpisa lang ang sarap. Kahit hindi naman siya masyadong masarap. Kaya nakakaloka talaga ang hirap.
Mahirap na ngang maging bakla.. Eh yung maging kabit ka pa kaya.
Sa monthsary date pa nga lang 17... pagkatapos ng suweldo. Hayan! direcho date. Date na para kong isnag honor student. Ako ang palaging sumasagot! Other Gay nga kasi hindi naman ako woman. Bakit ba ko mag-aambisyon?
...na noon akala ko hindi ko kailangang mag-ambisyon kasi akala ko noon natupad na ang pangarap ko. Well lahat naman sila.
Siguro nga natupad ko ang pangarap ko na makilala talaga ang tunay na laman ng relasyon at ng mga karelasyon at magiging karelasyon. Okay lang after naman nun, nalaman ko ring may ganda rin naman pala ako. Nakilala ko rin si G.L. Card... Pa-swipe swipe na lang... Doon MARAME akong nakilala. Mula sa labas hanggang sa kaloob-looban.
And I have to be thankful dahil naging masaya naman ako sa mga unang buwan namin (two years ago). Yung masayang masaya na tipong mamamatay ako sa pagluluksa kapag namatay siya. As in Sobrang saya. Yung tipong sasabihan ko siya ng "Happy Monthsary.. Cheers to the next more months.. years.. till lifetime..." Ganyan ko siya minahal. 2 years ago!
Pero dahil Barbra Streisand ang peg ng kapalaran ko to the tune of.. Some good things never last... Nagbago ang lahat. Dumating na sa pagkakasawaan yung tipong hindi na ko nananabik. Na parang ayoko na siyang makita. Dahil natatkot na ko sakanya. Ayoko na siyang makita dahil ang nakikita ko na sakanya ay mga taong dumaan sa buhay ko na walang pinag-iba sa mga lalaking nagdaan sa buhay ko na noon akala ko iba siya sa lahat ng mga taong nakilala ko sa tanang buhay ko.
Everything was perfect then.. May chemistry na magpasahanggang ngayon, hindi maka-get-over ang anak-anakan ko dahil wala na kami ng daddy niya. Pero bandang huli, hindi ko alam kung ano nang nangyari. The fact siguro na nahulog na ang loob ko sa isang tambay na nahulog ang kaloob-looban ko. Nahulog pa nga ang loob ko sa isang taong nasa likod ko ngayon mismo na akala kong kakaiba rin. Kasamahan ko pa siya sa trabaho pero ngayon hindi na. May balak pa nga akong siya ang ipapalit ko sa napupundi na naming relasyon ng taong tinutukoy ko. Pero ganun rin. Naiwan lang ako sa ere. Kasi akala ko magiging kami. Akala ko may something din... Pero wala. Ganun din. PArang Nokia... User Friendly.
Bakit ba ang tanga ko na magkakaroon ng kahit anong something?
BAkit iniisip ko na panghabambuhay titibok ang puso ko? Eh nawala sa isip ko na panghabambuhay ko lang pala bubulagin ang mata ko.
WALANG SOMETHING KASEH... THERE'S NOTHING!!!
Parang isa ako s amga nasalanta ng bagyong Sendong o namatayan ng kamag-anak sa bagyong Milenyo na magpasahanggang ngayon hindi pa rin maka-get-over... Kasi na-trauma na ng husto sa mga lalaki.
Paranoid na nga siguro ko. at kapag may nagpapakita sakin ng paglambing at kabutihan, mas nakakakita ako ng peso sign at nakakarinig ako ng tunog ng kahera.
Bad ba ko?
Kasalanan naman nila eh.
Alam ko namang kasama talaga ang gastos sa isang relasyon pero bakit lagi akong nakakakilala ng abusado?
at ang masakit don...
Naging isa ka don?
Dalawang taon na sana tayo. Pero bakit hindi ako naiyak nung nawala na tayo? Naubos na ata ang luha ko. Kasi lumalabas lang siya sa pawis ko sa tuwing ngumingiti ako pag nandiyan ka. 2 years ago...
Pero kailangan ko na talaga sigurong ibaon kasama ng pag-a-asume na may lalalking totoo at gusto ko. Tapos na ang dalawang taong pagpapanggap sa mga bagay na isinaalang alang ko sa para sa pangarap.
Hindi ka mamahalin ng tototoong lalaki kung bading ka at fish ball lang ang ipakain mo sa kanya sa tangahalian at kikiam sa hapunan.
Happy 2nd Anniv sayo! Sana...

Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!