Hanggang kailan...?
Haaayyy...
Kaka-accomplish ko pa lang ng bagay na pinagpaguran ko ng 4ohrs..
Grabe talga ko magpuyat.. Naloloka silang lahat at nagsasabi na lang sila, HINDI KA NATULOG? NAKAKALOKA KA.. Pati naman ako naloloka talga sa pagpupuyat ko.. Feeling ko nga eto na kamamatay ko.. Ako tamad lang nmaan ako sa bahay pero pag ako ginawan ng trabaho, pag nasimulan ko na at nandun ang focus.. Shet.. Hindi talga ko titigil hanggat di ko tinatapos..
Shet medyo may kaparehas akong ganitong tao.. Ang pinagkaibahan nga lang namin, may puso ako at may awa ko sa mga katrabaho ko.. Tsismis ba toh? Haha
Sabi ko nga eh.. Ako yung ginagawa ko that time, I hate it.. I don't really love that job, but I love the way I work.. kaso ayoko talaga ng inaabuso.. Kay pag nababadtrip ako nagtatalak talga ko. Nambibitch talga ko.. Pero hindi pa rin talga ko makawala once na masimulan ko na.. Ayoko na kasing nagiging quitter.. Ang nakakinis kasi, magpapakita ka ng potensyal mo, gagamitin ka, at aabusuhin ka..
Nakakainis lang kasi alam nya na nga kung ano yung pinaghirapan mo, ang dami-dami pang ipapagawa.. Nakakainis talaga.. Bakit ba kasi may tinatawag tayong UTANG NA LOOB at PAKIKISAMA... Napakahirap bayaran ng utang na yon!!! Magigipit ka lalo!
Anyway, nakabawi na ko ng tulog.. Sarap talaga ng malamig na panahon.. Nakakabawi ka.. Ang kakaloka lang yung pauwi ka at puyat at pagod ka.. Mababasa ka ng napakalakas na ulan at hangin.. Grabe.. Parang buhawi.. Natatakot nga ko sa binalita saking mag-end of days na raw sa 2012.. Nako.. Nadedepress tuloy ako.. Taz naalala ko pa yung ka-choir ko dati na nagjajudge sakin kung san daw ako mapupunta pag namatay ako...
Nadedepress ako.. Mag-eend of days na rin ang pagtira namain sa bahay.. Jusko saan ko patitirahin ang pamilya ko.. actually, nanay ko lang ang bibitbitin ko. Bahala sila.
Nagsasawa na ko.. Kung di nila ko tutulungang buhayin ang pamilya namin.. eh bubukod na ko.. Sabi ba naman ng kapatid mo.. "Aalilain mo lang si Nanay" Ang kapal ng mukha magsabi ng ganon.. Nakakpagpanting ng tainga...
Shet mas mababa na ang sinasahod ko ngayon.. Pano pa ko makakapanlalaki nito.. Hanggang december na lang kami.. Ayokong tumira sa probinsya.. Mamamatay ako. Ayokong mabuhay ng malayo sa nanay ko.. Pero ayokong kasama ang mga kapatid ko kung ganyan sila..
Grabe.. Hanggang kelan ako mapapanatag.. Kailangan ko ap ng isnag show.. Huhuhu!!!
Sana mariinig ako ng genie!!!
Huhuhu..
PAnibagong depresyon na naman to sa utak ko.. Papatulan ko lahat!!
Kahit wala ng matira sakin.
Tutal...
Lagi namang nangyayari yon eh..
Mahirap talaga mabuhay.. Hanggang kelan ko papasanin sila? Habangbuhay na lang ba ko aakyat sa napakataas na bundok pero alam kong wala kong safety gears at pag nalaglag ako.. kailangan insured na rin ako.. Sana pala talga tinikman ko na lahat ng kasarapan dati kung alam kong eto pala ang magiging buhay ko.. Inaway-away ko na sana ang mga ate ko dati at kinuha ko na sana lahat ng pinakamagandang ibibigay ng nanay ko.. Gagantihan pa rin pala nila ko kahit hindi ako ngapakita ng masama sa kanila..
HAyy.. Hanggang kelan?? hanggang kelan ako magiging ganito??
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!