LEad.. Trapped in Love...
It's almost two years when I've entered this industry.. I was a fresh grad... Octoberian (actually Decemberian) of College of Communication PUP.. that time I've never experienced how to be a fresh grad applicant. KAsi naman noh! Octoberian nga. Wla kong kasabay. I've never tasted how to March on March... Wheew!! A very sad story, sa sobrang sad, I really don't wanna remember it again.. Haay... If you'll try to clean up my closets.. Actually it's very open to public if you oughtta read my blog dati.. Maiiyak ka sa awa sa kin.. KAya eto..
Keep surviving...
BTW, after I grad, dire-diretso nang lahat.. Di na ko nagpatumpiktumpik pa. I've been a participant for GMA Scriptwriting Workshop under Don Michael Perez. And... Ewan ko ba, Di ko naman alam bakit ako napunta dun.. Eh Stage Plays lang naman yung mga sinusulat ko. Ayun. It has three phases eh.. Naloloka ko kasi nakapasok pa ko. Hanggang sa, eto na nga.. Ayoko nang kuwento... BAsta, here's another masterpiece of mine that qualified me to enter GMA Network Creative Team na, naglaon, wla na ko...Hehe..
That's Life..
Trapped in Love Pilot Episode..TV Script... Na how I wish umeere na ngayon...
TAke Note of Sandra's Fate...
Some names are from text messages' fringe character Ederlyn.. And Dela Costa is my Clollege Proffesor.
Enjoy!!!
Trapped in Love
By: Jeffrey Tabason
Week1 Day1
1. (MONTAGE) DAY BY DAY
a. Ipapakitang magbubukas nag studio lights, ipapakita ang camera at ipapakita ang clapper. CUT TO
b. Tutunog ang alarm cock ni Sandra. Ipapakita syang magbubuhos ng tubig sa sarili para maligo.
c. Magbibiyahe si Sandra sa bus ng nakatayo at siksikan sa sinasakyang bus at pipila ng mahaba sa bilihan ng ticket ng LRT. May makikitang piso, kukunin nya.
d. Ipapakita ang handset ng phone na hawak ng babae, ipapakita rin ang isa pang handset sa kabilang tenga, at makikita rin na may nagtetext sa dalawang cellphone. Ire-reveal na ginagawa iyong lahat ni Sandra at the same time.
e. Ipapakitang ine-ekisan ni Sandra ang kalendaryo papalapit ang katapusan ng buwan. CUT TO
f. Lunch break at kumakain ang mga kasamahan nya ng kanilang lunch habang siya ay kumakain lang ng sandwich pati.
g. Magwi-withdraw sya sa ATM Machine ng sahod at tititigan nya ang nawithdraw at ido-double check nya ng exage ang ATM Machine, aalugin nya ito at susungkit-sungkitin. May makikita syang P5, pupulutin nya ito.
h. (TIME LAPS Day to Night) Uuwi si Sandra ng exhausted, walang palit-palit ng damit, matutulog sya.
SANDRA : (VO)
Pangarap kong maging artista bata pa alng ako.
Mahirap talaga ang maging mahirap. Lalo na kung wala na talaga kayong pera. Ikaw lang ang inaasahang magtatarabaho sa bahay.
Ganito ko araw-araw…
Nagbi-byahe, nakikipagsiksikan, standing ovation sa bus, box office naman sa LRT.
Ganito ang artista, hectic ang schedule, pinipilahan, tinatayuan.
At syempre ang artista, magaling sa mga kliyente, magaling mambola sa mga tao, ma-PR, at magaling din minsang magpanggap, part yun ng acting eh.
Haaay… Mahirap talagang maging mahirap.
Lalo na kung ang pangarap mo…
Hanggang pangarap na lang.
2. Katigbak House. Day. Int.
Gigising si Sandra, pagtingin nya sa alarm clock 6 o’clock ang nakalagay ngunit napakainit na. Sisilip sya sa orasan ng kapitbahay na kita sa bintana nito, malalaman nyang 11:30 na ng tanghali.
Iche-check nya ang likod ng orasan, wala itong baterya. Iche-check ang dalawang cellphone, ngunit low-batt ang isa, ang isa nama’y nagloloko na kapag naka-on lumalabas ang CHARGING.
Babangon siya sa higaan, makikita nya ang tamia na nilalaro ng dalawa nyang pamangkin.
SANDRA:
Sandali…
Iinspeksyunin ang likod ng tamia at makkiikta nya ang battery ng kanyang alarm clock.
SANDRA:
Aha! Sinong may sabi sa inyong kunin ninyo ang battery ng alarm clock ko?
PAMANGKIN 1:
Si Daddy po. Sabi kasi subukan daw naming tong binigay nyang toy car.
Gagayahin ni Sandra ang paraan ng pagsasalita ng pamangkin.
SANDRA:
Whoo!! Daddy ka dyan! Wala nga kayong makain pa-Daddy Daddy pa kayo!
Tapos parami pa ng parami ang la..
Sa paghahanda sa pagligo, makikita nya ang iba pang pamangkin na nagbabasa ng Porno Tabloid. Aagawin nya ito at pupunitin.
SANDRA:
Hoy! Mga Bastos! Mga hindi pa nga kayo marunong mag-ABAKADA puro kahalayan na agad ang natututunan nyo!
Kuya naman! Wag mo namang pabayaan ang mga anak mo.
Ang ba-bata pa ng mga to hinahayaan mo ng matutunan yung mga natutunan mo nun kaya ang dami-daming bata dito.
Buti sana kung ikaw ang nagta-trabaho eh.
At sino bang tangang hindi gumising sa akin alam nang may pasok ako eh!
Si Moira sabi ko ipa-alarm din yung cellphone nya eh. Asan na ba sya?
Sisingit ang kuya na nagbabasa ng diyaryong porno din.
KUYA:
Andon sa barkada nya, hindi pa umuuwi.
SANDRA:
Ano?! Kababaing tao, sabi nya sa akin kagabi male-late daw syang umuwi.
‘Nak ng… Tanghali na. Baka naman sa susunod may bitbit na syang bata dito pag umuwi sya. San na namn tayo kukuha ng panggastos.
Buti sana kung andali-daling magtrabaho!
Maririrnig nya nag birit ng ama mula sa labas sa tunog ng Videoke.
TATAY: (OS)
“…I did it may weiy!”
Kukuha ng isang sachet ng shampoo si Sandra.
SANDRA:
Haay… Dyosko Lord! ‘Tong si Tatay tanghaling tapat nakikipag-inuman pa.
Imbes na magpahinga na lang. Ang tigas ng ulo. May sakit na nga sa atay.
Nako! Mga tao dito, umasta parang mayaman. Hindi nararamdaman yung hirap.
Kukuha ng tuwalya si Sandra at papasok sa banyo. Pagbukas ng pinto, magugulat sya sa nanay nyang naglalaba sa loob ng banyo. Ngingiti si Sandra ng sarcastic.]
SANDRA:
Oh! Nay! So, you’re here. Ginulat mo naman ako.
O diba! Ang sipag ng nanay ko..
Mawawala ang ngiti.
SANDRA:
Kahit may scoliosis na, nagpapakakuba pa rin sa labada.
Nay, sinong may sabi sa inyo na maglaba kayo?
Kuya! Ba’t ba ‘di ikaw ang maglaba dito’t iwanan mo yang kabastusang binabasa
mo.
Hindi ka na naawa kay nanay.
NANAY:
Ako naman ang nagkusa eh. Tinatapos ko lang to para na rin may pang-apply ang
kuya mo. Nirefer sya ng pinsan mo ng bagong trabaho.
SANDRA:
Pang-apply… Muka nya pang-apply! Nako, di pa kayo nadala. Dati na ring pinag-
a-apply yan. Binigyan ko nyo ng pera. Ano ginawa? Pinang-karera lang.
Wag na layong umasang magta-trabaho yan. Kuntento na yan sa buhay nya.
Walang pangarap sa buhay. Walang trabaho! Pala—
KUYA:
Ang yabang nito ah. Kala mo kung sino kang makapagsalita.
Kaya ng amag-aapply eh. Epal ka talaga!
SANDRA:
Siguraduhin mo lang kuya! Dahil nahihirapan na kong magtrabaho.
Nahihirapan na kong pakainin kayo.
Nay, bilisan mo na nga. Late na ko! Labas ka na dyan.
Papasok si Sandra sa banyo. Maririnig pa ang boses ng kuya.
KUYA:
Nga pala, malapit na ang katapusan Sandra.
Paubos na gatas nila Muymoy. Bili ka na.
Paubos na rin yung mga diapers.
SANDRA:
Ah ewan ko sayo!
Tapalan mo ng scotch tape mga pututoy nila tsaka painumin mo ng beer.
Hingi ka kay Tatay!
Ibabagsak nito ang pinto ng banyo.
3. Office. Day.
Papasok si Sandra ng nakatingkayad, bitbit ang sapatos. Makakasalubong niya ang sapatos ng kanyang boss.
SANDRA:
Wow! Kinis kiwi!
Hihingahan nya ito na parang salamin at pupnasan. Titinagala sya at makikitang nakangiti ang kanyang boss. Kikislap ang ngipin nito. Saka nya mapapansing boss nya ito
BOSS:
It’s over Sandra Katigbak! Five months ka na sa kumpanyang ‘to
Pero talong buwan lang ang binuno mong oras kale-late mo.
Maraming naghahanap ng trabaho.
I’ve been warning you Katigbak!
Pero inubos mo pasensya ko. You’re fired!
4. Street. Day. Ext.
Naglalakad si Sandra na nakatungo, sinisisipa nag bato.
Nasa ulo nya ang sinabi sa kanya ng boss. Sa di kalayuan, may nakataingin sa kanyang bata.
BOSS: (VO)
Wala kang makukuhang separation pay.
Malaki pa ang inabsent mo kesa sa oras ng trabaho mo.
Wag mo kong dramahan, maraming naghahanap ng trabaho at mas masipag sayo.
Kukunin ni Sandra ang wallet nya na may picture ni Mama Mary. Bubunutin nya ang piucture ng pamilya nya. Makikita nyang P100 na lang ang natitira nyang pera. Sisispain nya ng malakas ang bato. Magbaba-bounce back ito sa ulo nya.
Mapapaupo sya sa gilid at saka nya makikita ang food chain na nasa harap nya at tutunog ang sikmura nya, hahawak sya sa tiyan.
Ilalabas nya ang P100 sa pitaka nya at tititigan ito.
Biglang may aagaw na bata sa P100.
SANDRA:
Hoy! Walanghya kang bata ka! Papatayin kita.
5. (CHASING SCENE)
Huhubarin ni Sandra ang Sapatos at hahabulin nya ang bata. Makakabot sila sa kalsada.
Kukuha sya ng bato, babatuhin nya ang bata.
Habang tumatakbo sya, may matatapakan syang ebak. Mandidiri sya.
Ihahagis ng bata ang pera sa tapat ng restaurant at tatakbo na ito.
Matatapakan ng isang lalake ang pera at papasok ito sa mamahaling restaurant.
SANDRA:
Siraulo kang bata ka. Nagpahabol ka pa, ibibigay mo rin pala.
Susundan ni Sandra ang paa ng lalaki. Yuyuko siya.
6. Restaurant. Day. Int.
Sa Restong napasukan ni Sandra, nasa isang table ang magkasintahang Francis at Ederlyn.
EDERLYN:
Honey, I’m two months pregnant.
FRANCIS:
Alam ko.
EDERLYN:
Huh? You mean—
FRANCIS:
Oo, pinlano ko yun lahat. Nurse ako, minonitor ko ang monthly period mo.
Kung kelan ka fertile, kung ilang beses tayong kailangang mag—
EDERLYN:
Ok, Ok, tama na.
Pero, bakit?
FRANCIS:
Kasi, yun lang ang tanging paraan para hindi ka nila makuha sakin.
Hindi ka magpapakasal sa lalaking yon.
Sampung taon Ederlyn! Sampung taon.
Hindi ako papayag na may sumira non.
CUT TO Sandra’s busy crawling for her P100. Sa bawat lamesa pumapasok sya. Makikita nya ang pang tumapak sa pera nya. Matatanggal yun sa paa ng lalaki at maiiwan sa tapat ng lamesa nila Ederlyn. Makikita ito ng waiter at a-aproach ito sa kanila.
WAITER:
Sir, excuse, sa inyo po ata ‘to.
Tititigan muna ni Francis ang hawak ng waiter at magbabago ang isip nito. Kukunin ang P100.
FRANCIS: (Nagpapanggap na sosyal)
Ah, actually, I have olredi see it.
Thanks for your nice and kindness that I have been really appreciated it.
Makikita ni Sandra ang ginawa ni Francis.
SANDRA:
Ang kapal ng mukha ng lalaking yun ah. Pa-ingles-ingles pa, eh pera ko yung inangkin nya. Nako.. Teka nga..
Pupunta si Sandra sa lamesa nila Ederlyn.
EDERLYN:
Franz! Ano ka ba? Bakit sinabi mong sayo yung One Hundred?
Malay mo kung may may-ari non.
FRANCIS:
Siguro may may-ari kanina, pero akin na sya ngayon. (Sniggers)
Ilalagay ni Francis ang P100 sa bag nya na nasa baba. Makikita ni Ederlyn yun, habang nasa ilalim sya ng lamesa ng dalawa.
FRANCIS:
Aba, mahirap na. Baka kung kanino pa mapunta to. Sayang din naman, mahirap ang pera ngayon .
Saan na nga ba tayo? ‘O nga pala, nakabili ka na ng ticket natin?
EDERLYN: (Sarcastic)
Yeah, the ticket to Canada, and to Zamboanga!
Hahawakan ni Francis ang kamay ni Ederlyn.
FRANCIS:
Ederlyn honey, wag akng mag-alala, kahit ganito ko, hindi kita papabayaan hindi kita masasaktan. Hindi ko magagawa yun sayo.
EDERLYN:
I know, kaya nga magkasama pa tayo. Ang iniisip ko lang, si daddy.
Tiyak hahabulin tayo nun san man tayo magtago. Ipagpipilitan nya pa rin akong ipakasal sa Gilbert De La Costa na yun. Bata pa lang ako, naka-set na yun. Kailangan kong mag-Zamboanga ng limang buwan.
FRANCIS:
Eh di makipagpalit ka ng buhay. O kaya may bayaran ka ng tao para magpanggap na ikaw.
Hindi tatawa si ederlyn. Titingin ito sa malayo.
FRANCIS:
Joke lang ano ka ba?
Hindi ka na nga magiging asawa nun kasi nanay ka na ng anak ko…
Ng anak natin...
May kukunin si Francis sa bulsa, at makikita ni Sandra iyon, isang ring box.
FRANCIS:
Happy 10th Anniversary Hun,
Tsaka, will you marry me?
Habang nag-uusap ang dalawa, nagkakalkal si Sandra sa gamit ni Francis. Makikita nya ang P100 sa coin purse ni Francis at kukuha na rin sya ng mga barya dito.
SANDRA: (whispers)
Siraulo ka ah, kukunin mo pa yung isandaan ko ah… Sige, akina yung mga barya mo.
FRANCIS: (OS)
Tignan mo yung pulubing bata oh, pinagyayabang nya yung pera nya sa mga kalaro nya. Pinalimusan sya siguro ng papel.
Maiintriga si Sandra sa narinig. Titingin sya sa labas. Makikita ni Sandra ang batang nagpahabol sa kanya mula sa labas na may hawak nga itong perang papel na makikita nya ang kulay. Kulay ube. Titignan nya ang P100 na nasa kamay na nya. At malalaman nyang peke pala ito. Matataranta sya, at sa pagmamadali, malalaglag nya ang isang cellphone nya sa bag ni Ederlyn. Matatabig nya ang paa ng lamesa nila Ederlyn kaya mapapansin ng dalawa na nandun sya.
SANDRA:
Ay, sorry miss! Nalaglag ko kasi yung hikaw ko dito kaya hinanap ko. Sige thank you, babay!
Tatakbo palabas si Sandra ng mabilis.
7. Street. Day. Ext.
Pag labas nya, wala na ang batang nang-agaw ng pera nya. Hinanap nya sa mga gilid-gilid, nagpunta sya sa mga pinanggalingan nyang lugar, wala na ang bata.
Mapapaupo sya sa gilid. Iiyak. Makikita nya ulit ang latang sinipa-sipa nya, saka nya marerealize na malayo na ang napuntahan nya.
SANDRA:
San na ko pupunta ngayon. Wala na kong trabaho. Wala nang kakainin ang pamilya ko!
CUT TO
7a. Car. Day. Int.
Mapapansin ni Ederlyn na may nagbi-beep sa bag nya. Iche-check nya ang cellphone nya, pero hindi ito ang tumutunog ng nakakatawang ring tone. Makikita nya ang cellphone ni Sandra. Nakalagay ang 14 miss calls at 2messages received. In-open nya to.
“Ate, si Moira to, si tatay sinugod dito sa Ospital. Ang tigas kasi ng ulo. Ayan inatake na naman ng sakit sa atay. Kailangan ng pera.!”
Habang naglalakad si Sandra, may mattapakan syang pako na ikasusugat ng paa nya.
Sa gitna ng kalsada e-eksamin nya ang paa nya. Hindi nya namamalayan ang paparating na sasakyan ni Ederlyn.
Kahit duguan ang paa ni Sandra susubukan nyang tumayo. Saka lang mapapansin ni Ederlyn ang driver nya na may masasagasaan sila.
Mappasigaw si Ederlyn at si Sandra.
GAP 1
8. Street. Day. Ext.
Magbi-break ang sasakyan ni Ederlyn. Lalabas ang driver, lalabas din si Ederlyn at lalapitan nya si Sandra.
EDERLYN:
Miss, okay ka lang?
Haharap si Sandra.
EDERLYN:
Teka, ikaw yung babae sa restaurant kanina ah.
Makikita nya ang sugat ni Sandra.
EDERLYN:
May sugat ka pala.
Halika, dadalin ita sa ospital.
9. Mr. dela Costa’s Room. Day Int.
Ipapakita si Mr. dela Costa sa magara nyang kwarto. Nakaratay sya sa kanyang kama.
Papasok si Gilbert.
GILBERT:
Pa, pinatapatawag nyo raw ako.
MR. DELA COSTA:
Maupo ka sa tabi ko hijo.
Uupo si Gilbert sa tabi ng ama.
MR. DELA COSTA:
Naaalala mo pa yung Palagi kong sinasabi sa’yo nung bata ka pa?
Kapag umiiyak ka?
GILBERT:
Of course Pa, palagi nyong sinasabi sa akin na lahat ng bagay na nangyayari satin eh may dahilan.
MR. DELA COSTA:
Nang pumanaw ang Mama mo,
Akala ko, wala nang saysay ang buhay ko. Wala na sakin ang lahat.
Nagulat na lang ako nang mabalitaan kong may anak pala ko kay Amelia.
Limang taon na rin si Edison nun.
Kahit may iba na kong pamilya at kahit na pilit na inilayo sya sa akin ng mga lola’t lola mo, hindi pala ko dapat nawalan ng pag-asa.
Kasi sa kabila ng lahat ng yon, may dahilan pa.
Hindi man kami nagkatuluyan ng Mama mo, pero narito koa anak.
Ikaw na alng anag natitirang alaala ni Amelia.
Ang nag-iisang babaeng minahal ko.
Hahawakan ni Gilbert ang kamay ng ama.
MR. DELA COSTA:
Gilbert anak, tumatanda na ang Papa mo.
Ikaw rin, hindi ka na bata. Nagkakaedad ka na.
Titingin sa baba si Gilbert na parangalam nya na ang susunod na sasabihin ng ama.
MR. DELA COSTA:
I’d talked to Mr. Fueconcillo about you and his daughter.
GILBERT: (interrupts)
Pa, pano kung di kita magustuhan? Pa—
MR. DELA COSTA:
Alam kong hanggang ngayon, pinagluluksa mo pa rin si Apple.
Matatahimik si Gilbert.
MR. DELA COSTA:
Gilbert, that was too long ago.
Dalawang dekada na ang nakakalipas. Bakit hindi mo pa ba sya kalimutan.
Mabuting tao ang mga Fueconcillo.
Ang anak ni Roger na si Ederlyn, kilalanin mo sya.
GILBERT:
Pa, patawad pero hindi ako makakapangako.
Mapapadaan si Edison sa kuwarto ng kanilang ama na nakabukas ang pinto ng bahagya. Makikinig sya sa usapan ng dalawa.
MR. DELA COSTA:
Gilbert, ikaw na lang ang inaasahan kong papalit sakin.
Wala kong mahihinuha sa kapatid mo.
Matanda na ko at ikaw lang ang makakapagpatuloy ng kumpanya at magpapalago nito kapag nagpakasal ka sa anak ni Mr. Fueconcillo.
GILBERT:
Pa, I don’t think yun lang ang puwedeng sagot sa problema ng company.
Wag nyo naman akong ibenta.
Aalis si Edison.
MR. DELA COSTA:
Do it for me son.
Malay mo, pag nakilala mo na sya, malaman mong sa banding huli may dahilan din to.
10. Restaurant. Day. Int.
Ipapakitang may bandage nag paa ni Sandra. Pinakain sya ni Ederlyn sa restaurant din na nagkita sila. Kain nang kain ng marami si Sandra habang pinapanood lang sya ni Ederlyn.
SANDRA: (May laman pa ang bibig)
Oy, gurl salamat ah.
Alam mo, ngayon lang ako nakakain dito.
Ang mahal kasi eh, pero in fairness delisyoso pala sya.
Kumain ka na?
EDERLYN:
Ah... sige sige, wag mo kong intindihin, busog ako.
SANDRA:
Buti naman.
EDERLYN:
Ahmm… Sandara…
SANDRA: (Shouts)
Sandra!
EDERLYN:
Oh sorry, Sandra… Kanina kasi, nakita ko sa bag ko to.
Ilalabas ang oldest model na cellphone ni Sandra.
EDERLYN:
Nakailang miss call na eh. Mukhang importante’ng message kaya in-open ko na.
Tapos naalala kita nung nagkita tayo kanina, nung hinahanap mo yung hikaw mo sa ilalim ng mesa namin.
Teka, akala ko ba Hindi ka pa nakakakain dito bakit—
Bago pa maghinala si Ederlyn, hinablot na ni Sandra ang phone nya.
Babasahin ni Sandra ang message ng malakas habang may laman ang bibig nya.
Magdodouble image ang nakalagay sa text na kailangan ng pera.
Masasamid sya at iiyak kahit may pagkain pa sa bibig.
SANDRA: (cries)
Ang tatay ko!
Lulununin ang pagkain nya at iinom ng tubig. Magshi-shift ang emotion nito sa pagtatalak.
SANDRA:
Nako! Ang tigas-tigas ng ulo! Kasasabi ko lang na tumigil sa pag-iinom.
Tapos eto na nga. Dyosko Lord! Wala na kong trabaho ngayon.
Katatanggal pa lang sakin sa trabaho. Wala na kaming pera.
Pano ko malalabas si tatay. Hinid ako makakapagpakita don na wala akong pera!
Magwawala sa iyak si Sandra. Iko-comfort sya ni Ederlyn.
10. Mr. Fueconcillo’s Office. Day. Int.
Magri-ring ang cellphone ni Ederlyn sasagutin nya ito.
EDERLYN:
Hello, Dad?
CUT TO CUT to Mr. Fueconcillo.
MR. FUECONCILLO:
Hello, Ederlyn.
I just called to remind you about your marriage with Mr. dela Costa’s son, Gilbert.
Naka-ready na ang flight mo to Zamboanga.
EDERLYN:
Yes Dad. Hindi ko nakakalimutan.
MR. FUECONCILLO:
Kilala kita Ederlyn.
Subukan mo lang na wag tumuloy dun, Hindi lang ikaw ang malilintikan sakin,
Kundi pati na rin yung Francis na kasama mo kanina sa Resto.
Kakabahan si Ederlyn.
MR. FUECONCILLO:
How many times do I have to tell you na tigilan mo na ang pakikipagkita sa lintek na lalaking yon?! Hindi ka pa rin nagtatanda.
Hihipuin ni Ederlyn ang tiyan.
EDERLYN:
Pero Dad, mahal naming ang isa’t isa. Sampung taon na kaming magkasama.
Kung sino ang mahal ko, sya ang pakakasalan ko.
MR. FUECONCILLO:
Ah, talagang matigas ang ulo mong bata ka ah.
Sige, ipapaatras kong flight mo.
You’re going to Zamboanga on Monday.
Pag hindi ka nagpunta sa Villa dela Costa, may mangyayaring masama sa hampas lupang Francis na yon
Mawawala sa linya si Mr. Fueconcillo. Tatahimik si ederlyn at mapapansin ito ni Sandra na kakatigil lang umiyak.
SANDRA:
Ederlyn baket?
Si Ederlyn naman ang magwawala.
11. Basketball Court. Night. Int.
Naglalaro ng basketball ang magkapatid na Edison at Gilbert sa court nila sa kanilang Villa. Habang nagdi-dribble, nag-open ng topic si Gilbert.
GILBERT:
Bro, have you heard about my arranged marriage—
Nagpapanggap si Gilbert na wala syang interes sa topic.
EDISON:
With the Ederlyn girl?
Yeah. Narinig ko kayong nag-uusap ni Papa kanina.
Pupunta nga raw sya rito para getting-to-know-each-other period nyo.
Magshu-shoot si Gilbert pero hindi papasok, makukuha ni Edison ang bola.
Magdi-dribble.
Iibahin na lang ni Edison ang interes ng topic.
EDISON: (smiles)
Do you think she’s hot?
Bina-block naman ni Gilbert si Edison
GILBERT: (chuckle)
Ewan.
Hindi ko pa nga alam kung ano itsura non eh.
EDISON: (nang-aasar)
Woah! That’s cool!
Malay mo kahamukha sya ni Bakekang, at least kahit panget, maganda naman ang kalooban. (laughs)
Maagaw ni Gilbert ang bola at mashu-shoot nya to ng 3pts.
GILBERT:
Ayoko pang magpakasal. Ayokong magpakasal sa taong hindi ko mahal.
EDISON:
Pero kuya, yun ang gusto ng Papa, malay mo magustuhan mo sya tsaka baka kayong magkatuluyan ni Bakekang.
Tatawa si Edison pero hinid si Gilbert. Malalaim ang iniisip nito. Hihinto si Edison sa pagtawa. Titigil ang dalwa sa paglalaro. At uupo sa isang tabi.
EDISON:
What’s your plan Bro? She’ll be here next week.
GILBERT:
I have a plan.
Kukunot ng noo si Edison.
GILBERT: Bro ilan ang girlfriends mo ngayon?
EDISON: (mag-iisip pa)
Hmm… fling o flirting?
GILBERT: (laughs)
Never mind.
Basta, we have a plan. At gagamitin natin ang pagka-heartthrob mo para hinid ako makasal sa Ederlyn na yun.
Mapapaisip si Edison.
12. Park. Night. Ext.
Iko-comfort ni Sandra si Ederlyn na iyak pa rin nang iyak habang naglalakad sila.
SANDRA:
Parehas pala tayong may problema. Hinid lang problema ah.
Kundi, MALALAKING PROBLEMA!
May problema ko sa pamilya ko at sa pera.
Ikaw may problema ka sa pamilya mo pero marami ka namang pera.
Kung puwede lang makipagpalit sayo noh?
Titigil sa paglakad si Ederlyn.
EDERLYN:
That’s a good idea!
SANDRA:
Ha?
EDERLYN:
Ano kaya kung ikaw na lang ang magpunta sa Zamboanga?
SANDRA:
Ganon? Ano ko baliw?
Ayoko ngang magpaksal sa lalaking di ko gusto noh!
Virgin pa ang puso ko.
Tsaka, malay ko ba kung pangit yun.
Hello! Ang ganda ganda ko kaya
EDERLYN:
Sige na.
SANDRA:
Ayoko.
EDERLYN:
Hindi ka naman magpapakasal eh.
Magpapanggap ka lang na ako para may Makita silang Ederlyn Fueconcillo—
SANDRA:
Sinabi nang Ayo-K-O-H! Ayokoh!
EDERLYN:
Five months lang namn yun, pag nakaalis na ko, bahala ka na.
SANDRA:
Ayoko, ayoko… AYOKO!
EDERLYN:
Hindi ba kailangan mo ng pera?
Mag-iiba ang facial expression ni Sandra.
SANDRA:
Magkano?
GAP 2
13. Hospital. Day. Int.
Papasok si Sandra at Ederlyn sa pampublikong ospital kung saan itinakbo ang tatay ni Sandra.
SANDRA: (Shouts)
One Hundred Thousand!!!
Tsaka Kinse Mil buwan-buwan?
EDERLYN:
Pag kulang pa sabihin mo lang.
SANDRA: (tulala)
Nako, baka nman maghirap pa kami non,
Kahit siguro sadyaing magkasakit ng pamilya ko okey lang.
Makakaabot sila sa Information.
SANDRA:
Miss, kahapon may kinompayn na Emiliano Katigbak dito.
Anong room sya?
NURSE:
Ay sorry Ma’m, wala nap o sya.
Magdidilim ang paligid ni Sandra.
SUPER IMPOSE sa imagination nyang tumatakbo ang karo ng ama nya. Nasa di kalayuan sya’t nakamasid na na-hood na parang sa pelikula.
DISSOLVE TO lalapitan ya ang puntod ng kanyang ama, luluha at uulan ng malakas.
SANDRA: (OS)
Itay patawad. Hindi ko man lang kayo nakasma sa huling sandali nyo.
Hindi ko mapapapatawad ang sarili ko!
CUT BACK TO Sandra na umiiyak at nagwwala.
SANDRA:
Itay!!!!
NURSE:
Ah eh, ang ibig kong sabihin wala na sya rito.
Na-discharge na sya kaninang umaga.
14. Gilbert’s Room. Day. Int.
Bubuksan ni Gilbert ang pintuan ng kwarto nya at papasok. Hahanapin nya sa Book shelves nya at matatagpuan nya ang maliit na kahon. Bubuksan nya ito at makikita ang mga lumang pictures ni Apple ang dating kasintahan ni Gilbert. At mga bagay na alaala nya sa pumanaw na kasintahan.
Makikita nya ang kambal na chorals.
INTERCUTTING
(FLASHBACK IN SEPIA) Makikita ang Young Gilbert na nakikipaglaro sa tabing dagat kasama si Apple. Ipapakitang magkahawak sila ng kamay habang naglalakad.
YOUNG GILBERT:
Promise mo, hinidng hindi mo ko iiwanan ah.
YOUNG APPLE:
Promise Gilbert. Hanggang sa tumanda tayo.
DISSOLVE TO Makikita ang Teen Apple na naka-confine sa ospital at maputlang maputla. Nakahawak to sa kamay ng Teen Gilbert hawak-hawak ang kuwintas na may orasan.
TEEN APPLE:
Promise ko sayo, Gilbert, kahit mawala ako, hinding hindi kita iiwan.
Hanggang sa kabilang buhay.
SUPER IMPOSE kay Gilbert na umiiyak at hawak ang kuwintas na may orasan.
Sasabayan ni Gilbert ang sinabi ni Apple na hanggang sa kabilang buhay.
Gilbert: (VO)
Ito lang ang iniwan mo sakin Apple.
Simula ng mawala ka dahil sa Leukemia, parang namatay na rin ako.
Wala na kong iba pang mamahalin bukod sayo.
15. Katigbak House. Day. Int.
Darating si Sandra sa bahay nila kasama si Ederlyn. Nasa salas sila at pinagmemerienda si Ederlyn. Kausap nila ang nanay niSandra.
NANAY:
Mabuti na lang pinahiram ako ng Tita Ellen mo.
Naku kundi dahil sa kanya baka napano na’ng tatay mo.
Napakatigas kasi ng ulo eh. Inom pa rin ng inom. Yan, tinamaan tuloy yung atay.
May utang na loob pa tuloy atayo sa tiyahin mo. Alam mo naman ang ugali non.
Sinabi ko naman na babayaran mo sya pagkasahod mo.
Masasamid si Sandra sa iniinom na juice.
SANDRA: (Sighs)
Ah, nga pala Nay. May kailangan kayong malaman.
Kase, yung trabaho ko, wala na. Ligwak na.
Magtataka ang ina. Sasabad si Ederlyn.
EDERLYN:
Ang ibig pong sabihin ni Sandra Nay eh msy bsgo ns pos yang trabaho.
Titingin si Sandra kay Ederlyn.
EDERLYN:
Kasamahan nya po kasi ako sa trabaho.
Since nag-apply po kami sa Dubai last week, tomorrow na po ang alis namin.
Sasabay na po sya sa akin kasi madaling araw ang flight po namin.
16. Ederlyn’s Room. Night. Int/
Dini-discuss ni Ederlyn kay Sandra ang buhay nya, pati ang mg a importanteng detalye. Nakalabas ang mga old pictures at mga papeles ni Ederlyn.
EDERLYN:
Magaling ka bang umarte?
SANDRA:
Oo naman. Pangarap ko ngang mag-artista.
Gumanap akong Sisa sa play naming dati.
Grade six ako nun section buko.
Gagayahin ni Sandra ang pag-arte ni Sisa. Aarte syang baliw, tumatawa habang umiiyak.
SANDRA:
Crispin! Basilio. Maga anak ko.
Salot ang mga indio! Humanda ka Donya Concolacion.
Ikawa ang mag-Cantar at Mag-bayla!
EDERLYN:
No! not that kind of acting.
Ang ibig kong sabihin yung arte lang na pagpapanggap.
Kasi magpapanggap kang ikaw si Ederlyn.
Magpapanggap kang ikaw ako.
SANDRA:
Ha? Magpapanggap akong ako si Ederlyn
Eh si Sandra ako.
Ikaw si Ederlyn.
EDERLYN:
Hindi yun. Ang ibig kong sabihin
Magmula sa araw na to, hindi na ikaw si Sandra.
Di ba pangarap mong mag-artista?
SANDRA:
Oo.
EDERLYN:
See? Eton a yung hinihintay mo.
Para lang syang Reality show,
Wala lang camera.
Challenging role to Sandra.
Ah… I mean Ederlyn para masanay ka na.
Ederlyn Fueconcillo. Ikaw na ngayon ako.
Titingin sa malayo si Sandra.
SANDRA:
Ederlyn Fueconcillo.
Ako na ngayon si… Ederlyn Fueconcillo.
Gap 3
17. (MONTAGE)
Ipinapakita si Sandrang tini-train ni Ederlyn ng mga Ethics.
1. Ipinapakitang pinaglalakad sya na naka-heels at may libro sa ulo.
2. Ipinapakitang tinuturuan syang gumamit ng mga iba’t ibang uri ng kubyertos.
3. Ipinapakitang sinusukat nya ang mga damitb ni Edrlyn habang kinakabisado nya ang mga pangalan sa pamilya ni Ederlyn na nakalagay sa Photo Zalbum.
4. Ipapakita ang before and after na Sandra. Iikot ang Old Sandra sa salamin pagharap ang bagong Sandra a.k.a. Ederlyn.
18. Ederlyn’s Room. Day. Int.
Katatapos lang mag-train ni Sandra na nag-i-impake at umiinom ng juice. Papasok sa pinto si Ederlyn.
EDERLYN:
Look at you… Ederlyn.
Hindi lilingon si Sandra.
Ederlyn.
Hey! Ederlyn.
Titingin sa likod nya si Sandra.
SANDRA:
Ha? Ako ba?
EDERLYN:
Ano ka ba?
Masanay ka na.
Uupo si Ederlyn sa kama katabi si Sandra.
EDERLYN:
Bukas na ang flight mo— Ederlyn.
Magbabago ang buhay mo simula bukas.
Ang gagawin ko na lang, sasabay ako sayo pagpintang NAIA para may Makita si Daddy,
Tapos, ikaw na’ng bahala.
SANDRA:
Kinakabahan ako.
EDERLYN:
Basta isispin mo na lang…
SANDRA: (Jokingly)
Ham yan?
EDERLYN:
Hindi. Isispin mo na lang ikaw si Ederlyn Fueconcillo.
Hindi na ikaw si Sandra Katigbak.
Basta, galingan mo lang umarte.
19. Gilbert’s Car. Day. Int.
Nasa backseat sina Gibert at Edison papunta sila ng airport, nakatingin sa malayo si Gilbert.
EDISON:
Wow, Bro, I can see it in your eyes.
Kinakabahan ka.
Excited?
GILBERT:
Hindi kaya. Basta, ikaw ang sususndo sa Ederlyn na yon.
Kasi syempre hinid pa nya nakikita’ng mukha ko, ako rin naman.
Kaya dapat bako ang unang makakita ng mukha nya.
EDISON:
Pano pag naligaw siya?
GILBERT:
Eh di sumigaw ka ng Ederlyn Fueconcillo!
Tsaka plus Ogi Points yun. Biro mo Gentleman ka non Bro!
Para simula pa lang, mahuhulog na sya sayo.
Wow!
EDISON:
Pa-page na lang natin.
20. Airport. Day. Int.
Maraming tao sa airport ng Zamboanga. Hila-hila ni Sandra ang stroller bag nya habang tinititigan ang binigay ni Ederlyn na picture ni Gilbert kasama si Mr. dela Costa.
Nakatalikod si Gilbert s picture na yon.
SANDRA:
Dyosko Lord, pano ko namn makikita tong hinayupak na to sa picture,
Kundi nakatalikod, kupas naman yung mukha.
Ipapakita ang isang picture na faded ang mukha ni Gilbert.
Maririnig ang page ng boses ng babae.
V.O.
"Paging Ms. Ederlyn Fueconcillo, please proceed to the Arrival Area."
Nakatunganga si Sandra, walang clue sa sinsabi ng voice over. Uulit ang page.
SANDRA:
Ay, ako pala yun.
Matataranta si Sandra at kakaripas ng takbo habang bumabalibag ang bag nya.
Nakatayo naman si Gibert.sa isang tabi, dududkutin nya sa bulsa ang kuwintas na may orasan na bigay sa kanya ni Apple para tingnan ang oras.
Hindi nya namamalayan ang papaplapit na si sandrang tumatakbo at tumitingin sa picture ni Gilbert.
Magkakabanggaan ang dalawa.
Malalaglag ang kuwintas na may orasan, matatpakan yun ng heels ni Sandra.
END OF WEEK 1 DAY1
And that's all for now.. Actually yun lang naman yun eh.. Pero that's another obra from the lead of my mechanical pencil.. Compare to other writers, naglalapis muna ko bago ko mag-encode kaya super tagal.. ANloloka kasi ako pad sa PC. Mas Matagal...
YUn lang po muna. Sa mga makakkuha ng idea dito IF EVER.. Uso kasi un eh.. Hatian nyo man lang ako. Wala kong pera eh.. Maayayman na kayo!! TAos mga suwapang pa kayo. Ayanyo kaming gawing writer!!! Wahaha!! MAS MASAYA NAMANG MAGING BRAINSTORMER NOH!!! May mga blog reader naman ako..
JOKE LANG!!!
I would like to thank Dir. Do Michael Perez as well as Dez GAbres-Severino...
At Syempre Acy Ramos, Marilou Toque, Mei Valera, at Iggy!!!
and Ms. Cecille de Guzman!!! Love you po Mam!! Salamat po talaga...
HAPPPY NEW YEAR!!!!
Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!