NOSE BLEED

Haaay....
Mahirap magtrabaho sa network...
GAnto pala...
Nagkaron kami ng assignment for a new concept or a program that soon will be aired.
Napuna akez kasi, nanahimik na naman ang mamu nyo. Kasalukuyan kasi akong nalulurkey sa sasahurin ko sa aking hanapbuhay. Sa loob ng isang buwan, apat na beses lang akong papasok. Mahirap pala pag nagtatrabaho ka sa malaking estasyon kagaya ng pinagtatrabahuan ko. Dahil malaki ang station, malaki ang expectation. Pero pag starting mo, and wen i say STARTING, maganda xang simulai para magsimula ka ng maliit na negosyo gaya ng pagtitinda ng sampaguita, pagiging takatak boys, pagiging punas sapatos sa may recto o kaya humithit ka na lang ng rugby at ilagay mo sa bote ng C2 para d mahalata para mapawi ang gutom mo....
Haay... mahirap talagang maging isang manunulat... 22o pala un.. Ndi xa puwedeng ituring na TRABAHO lalo na kung nagsisismula ka pa lang... Past time siguro dahil uupo ka lang ng ilang oras taz kikita ka na... sa oras na un.. Pero hindi sa isang buwan..
talagang sahod lang siya at hindi sahod na maituturing...
So ayun na nga... Awa ng Diyos, nabawi ko yung ulo kong lumiliit nung meeting nung sinabii ko yung concept ko... Salamat at nabigyan ako ng utak. Nakapagcon3bute ako ng idea at nagustuhan nman.
Tapos eto na. Magnenet sexon kami ng ideas...
E2 po... Bingi na ko dahil sa di pa gumagaling na nasal congestion kong umakyat sa tenga at lalong d na ata xa gagaling at tuluyyan na kong mabibingi dahil wala akong pambili ng gamot at d pa ko sumasahod at kapag sumahod ako, gagaling na ko at maoospital ulit ako dahil di na kami kakain...
KAya ayokong nagpapacheckup. Kundi lang ako nakadura ng dugo di pa ko pupunta. Dahil di sa ayaw kong marinig ang RESULTA, kundi dahil ayokong makita ang RESETA. Kesehodang pampublikong ospital pa ang jose reyes pero pangpribado ang gamot. BONGGANG BONGGA!!
So ayun... Dummugo ang ilong ko sa mga comments ng mga kasamahan ko sa concept ko...
Haaayyyy... Matagal pa ang sept 10...
MAy ilang linggo pa para matanggap ko ang haf a month salary ko...


Hindi na ata matutupad ang panagarap kong makabili ng ganto sa december....
Pero anywey, may awa naman si Lord... Makatarungan namin ang ating Panginoon... Hindi nya man hahayaang maging malabo ang pandinig ko para di ko Sya marinig na sabihin sa aking "Anak maghintay ka lang...." Gagaling din ang ilong ko at d na kailanagan ang mamahaling gamot.
Hindi na iiyak ang ate ko sa sakit nya dahil pabalikbalik xa sa PGH para pumila para sa mas murang konsulta.
Hindi na ako lang ang taong walang sakit sa amin. (actually meron na). Hindi na ko mangungutang sa pamsahe ko pauwi. At pag nalalagan ng piso, maglalakad mula Divisoria pauwo sa bahay..
Hindi habang buhay nagtitiis kami sa tondo sa bahay naming binabaha at hindi na namin kailangang magsanla na wala nang isasanla pang alahas...
Kelan ako yayaman?
Matagal pa.
Pero dapat, hindi magsawang maghintay...
Tulad sa lalaking pinakamamahal ko. Umaasa akong maging kaibigan lang... Ket matanda na kami, sya lang mamahalin ko...
"Hope is the most dangerous thing to loose"
-LOST

Comments

Popular Posts