Mahal na mahal kita Don Jose (Open Letter)
Haaayyy... Here's an open letter to my dearest... Don Jose, Mula sa pinakafavorite mong Baby Boy. Wala ka namang choice kasi ako lang naman ang boy sa mga anak mo. Pero simula ng naging girl na ko, hindi mo na ko naging favorite. Ok lang naman. Nabawi ko naman yun kasi napatunayan kong ako ang magtataguyod sa buhay natin. Hindi man singmahal, pero malayo naman sa buhay natin dati. Ang sabi ko nga palagi, kahit di naman tayo mayaman, napasaya naman kita mula nung nagsama-sama tayo ulot sa isang bubong. Napasyal naman kita. Napakain kita sa mga restaurant. Techy ka na rin. Sabi ko noon, kahit hindi tayo mayaman, at least buo tayo. Pero, kulang na kami ngayon. Hindi mo na naantay na yumaman pa tayo. Hindi mo na mararanasang ipagdrive kita pag may kotse na tayo. Hindi mo na mararanasang mamasyal tayong pamilya sa ibang bansa. Hindi mo na mararanasan na ihatid ako sa aisle pag pinakasalan ako ng foreigner. Nung time na hindi mo na ako favorite, hindi na rin kita favorite non....