10 Commandments of Friendship / Workmates Under Quarantine

Haaayyyy....
Habang nagiging sounding board ako ng lahat ng mga hinaing sa mundo. Dahil nga painit na nang painit ang temperature, painit din nang painit ang krisis at isyu ng bansa. Nagkakainitan tayo. I collected some of my unsolicited advice. 

10 Commandments of Workmates / Friendship Quarantine Edition. 
1. Know your worth. Manalamin ka. Kapag naawa na ang reflection mo sa sarili mo, iba na yan! 
2. Prioritize your health. Kaya nga nagECQ para maging ligtas ka. Hindi ka pala sa virus mamamatay. 
3. "Hindi lang sayo umiikot ang mundo at hindi titigil ito kahit mawala ka pa!"-John Loyd, from the movie in my life. 
Open your mind. Open your ears. Open your eyes! Alamin ang Constructive Criticism. At ang critique, dapat pinakikinggan lang at tinatanggap. Hindi dapat dinedepensahan. Oo may pinagdadaanan ka. Sila ba wala? Kaya dapat manimbang ka. Kulang pa ba? O.... Baka sobra ka na? 
4. Tandaan ang sobra ay nakakasama. Ang makina nag-o-overheat. Ang Diyos after 6 days of creation. Nagpahinga ng isang araw. "Diyos ka ba????" -Vilma Santos, Dolzura Cortez Story. Tao ka. Baka pagod na kayo sa isa't isa. Magpahinga kayo sa isat isa. Nagkakasawaan na kayo sa mukha ng bawat isa kasi araw-araw mong nakikita. 
5. We can never please everyone. "Ganito kasi sana eh. Kaya lang" magfocus sa KAYA LANG. Bakit? Anong humahadlang? Kasi...
6. "They can't do it like I can." Of course! We have different cup of teas. Wag natin ikukumpara ang kaya nating gawin sa hindi nila kaya. Remember, meron din syang kayang gawin na hindi mo kaya. The same pole repel to each other. And the opposite attracts. Baka mas maganda ang team work if you have different edges. Kasi kapag pareho kayo ng potential, at ipipilit nyo pareho. Magkaclash kayo. Kaya nga. 
7. Even in a big company the Team Leader should be a team player. Kailangan nyang ramdamin ang nararamdaman ang mga nasasakupan. Dahil kapag may isang bumagsak, reach out at kailangan mo syang buhatin. Kasi YOU BELONG IN THE SAME TEAM. Hindi sya lang. Hindi ikaw lang. Dapat agree ang lahat. Democratic country tayo. (Hindi nga lang siguro ngayon.) Pero pag ayaw nyang tumalim, pukpukin mo para tumalas. Pero ang lapis kahit ilang ulit mong tasahan kung putol-putol yung loob...
8. Learn how to give up. May mga bagay na hindi talaga natin magagawa. Maybe just it wasn't really meant to be. 
9. You can't serve two masters at the same time.  Separate friendship to work! Pwedeng magkaibigan kayo. Pero kahit gaano kalalim ang pinagsamahan nyo pero kapag dating sa trabaho magkakaroon kayo ng DIFFERENCES. Na kahit anong gawin mo. Hindi mo mababago. Different experiences youve gone through, different choices, and different goals.  (DDS sya, Pro-Admin ka) Wag kang makelam! Again, kahit ankng gawin mo, hindi mo mababago yun! Nung nainlove ka ba, nakinig ka sa sinasabi sayo? Nung, nasaktan ka na lang saka mo sila narinig. Kaya kapag pumasok na ang trabaho. BE PROFESSIONAL. Walang kaibi-kaibigan, walang kama-kamag-anak. Kapag hindi sya nakapasok sa trabaho, kasi may pinagdadaanan sya, pwede mong intidihin AT ONCE OR ... TWICE. Or maybe thrice?? "Gaano kadalas ang minsan?" If this friendship goes beyond your work. Destroy friendship. And VICE-VERSA! Its either you become professional. Or you become professional tanga. All you got to do is make a...
10. Choice. "wala kang makakasamang iba kundi ikaw at ang anino mo, kapag minalas ka pag lumabas ka at umuulan, baka pati anino mo. Wala. Isipin ang sarili. Kung yung 1-9 ginawa mo na lahat. Ito na lang ang natitirang gawin mo. Hindi ka guardian angel. Para saluhin sila. Kapag lumubog ang barko hindi mo sila maililigtas kung di ka marunong lumangoy. Pero pag nakaligtas ka na at nakita mo na buhay din sila. Nakakita sila ng isdang makakain. Wag ka maiinggit. THERE ARE TOO MANY FISHES IN THE SEA. Marami pang iba dyan. Baka kailangan mong makakita ng iba. Mingle with some other people. Para pag nawala na sila, may bago ka. Pero syempre "Di singmahal, pero di singsarap." syempre, iba naman ang matitikman mo. Hahanap hanapin mo pa rin sya." Wag kang matakot magisa. Pag namatay ka. Wala namang promo na kabaong for two person. Marami ka pang makikilala. Mamatay man ang friendship nyo. KUNG TUNAY TALAGA KAYONG MAGKAIBIGAN, MABUBUHAY YAN ULIT. Pero sa pasensya... Walang forever teh! Kaya sabi nga ni Mama Ru Paul: "IF YOU CAN'T LOVE YOURSELF, HOW IN THE HELL YOU'RE GONNA LOVE SOMEBODY ELSE?" Can I get an amen up in here??? Tiyan muna bago puso! Pero wag mo naman masyadong mahal na mahal ang sarili. Wag narcissist. Wag GGSS. Wag gawing fetish ang mukha sa sariling selfie. Kapag inuna mo agad itong number 10. May problema na sayo. Ano-ano? Back read! 
-MJP / JTT

Comments

Popular Posts