"HINDI.. PERO..." #TitaKitaSeries
Haaayyy...
Nakakatawa kung pano tayo nagsimula. Takot na nga ako magmahal ulit eh. Mapilit ka eh. Pero hindi ko alam kung nasan na tayo ngayon. Ang sarap-sarap ng pakiramdam na mahal mo ko. Pero ngayon di ko alam kung totoo pa. Pero siguro ayoko nang alamin. Basta ako mahal kita kung mahal mo ko. Kung hindi na eh di hindi din. Ayokong sukatin. Kasi ayoko lang masaktan. Iniingatan ko lang sarili ko. Kesa ibigay ko lahat ulit. Malaki ka na, marunong ka nang magisip. Alam mo na kung anong ibig sabihin ng sating dalawa. Alam mo na yung tama at mali. Alam mo na rin yung totoo at hindi. Hindi ko sasabihing mahal mo lang ako kasi kailangan mo ko, kasi wala naman akong kailangan sayo. Hindi mo rin ako maloloko kasi hindi naman ako magpapaloko sayo.
Kung ano lang gagawin mo sakin ganun lang rin gagawin ko. Pero pag pinaramdam mo sakin na kailangan mo ko kasi totoong mahal mo na nga ako hindi mo na magagawang lokohin ako. Hindi rin kita lolokohin kasi lolokohin ko lang rin yung sarili ko pag sinabi ko nang hindi kita mahal pero mahal na mahal na pala kita. Hindi ko sasabihing hindi ko kakayaning mawala ka kasi nakaya ko nang wala ka.
Ikaw? Kaya mo ba? Kung kaya mo, mas kaya ko rin. Kung di mo kaya, hindi ko rin kaya. Kung mahal mo ko. Mahal din kita. Kung namimiss mo ko, namimiss din kita.
Sasakit lang ulo ko. Basta masaya ko pag nakikita kita. Nakakasama kita. Nayayakap. Nahahalikan. Nararamdaman ko yung totoo. Pero umaatras ka. Nanghihinayang ako. Naniniguro.
Basta i love you. Hindi ko kailangan ng sagot. Kasi sumagot ka man o hindi. Alam ko na ang sagot. Titigilan na kita pag tinigilan mo ko. Sorry ha. Naghanap ka ng matanda eh. Matalino pa. Matalino ka rin naman eh. Hindi mo lang alam. Sana hindi mahuli yung lahat at wag kang matulad sa iba. Mahal mo rin naman ako eh. Hindi mo lang alam kung pano.
Pano ba tatapusin to. Basta nandito lang ako. Hanggang kelan? Hindi ko rin alam. Pero... Depende sayo. Gamitin mo yung talino mo.
>madamjinkyp #HindiAtPero #Akda #TitaKita

Comments
Post a Comment
Sige lang side Comments lang!!!