PARA KAY B.

Haaayyy...
Hindi ko masasabing hindi na kita mahal, dahil ikaw pa rin sinisigaw ng puso ko at buong katawan ko.
Ang mata ko hinihanap ang ngiti at kagwapuhan mo.
Ang ilong ko hinhanap ang amoy ng ulo mo..
Ang bibig ko hinahanap ang lasa ng laway mo, ang alat ng pawis mo, ang tamis ng init mo..
Halos nasumpa na ko ng buong pagkatao mo.

Andami nang nagdaan.. Ilang taon nang nakaraan. Isinarado ko na ang puso kosa kaninoman at nangako sa sariling hindi na muling magmamahal.
Dahil iisa lang ang mga maskara nila.. Lahat magkakamukha sila..
Pero ikaw lang ang natatanging naiba.
Medyo nakakatawa dahil kung saan saan lang tayo nagkakilala, ni di man lang tayo gumamit ng kama.

Sa simula'y katawan sa katawan lang tayo pinagtugma, ngunit sa mga halik mo'y mayrong napala...
Sa kalagitnaan pala'y sa puso tayo magkokonekta, dalangin wag sana sa huli'y mauwi lang sa wala.

Damdamin natin ay iisa ang sambit
Wag na lamang pangalanan, maging masaya na lamang--
at wag itong ituring at mapagkamalang PAG-IBIG.
Dahil sa oras na ito'y aking seryosohin
Baka tuluyan nang mawala sa sariling bait at kasaysayan kusang ulitin...

Hindi ko alam kung saan at sino ang dahilan..
Siya bang Maykapal at ang kautusan..
Dahil pagmamahalan natin ay hindi legal
Aaminin mo pa kaya sa iyong sarili na puso mo' di normal?

Kung patuloy kang kakapit, malayo sana ang ating liliparin..
Marami sanang magiging masaya para sayo, kung pinanindigan mo lang ang yong damdamin,
Kaso sa layo nang ating agwat, sa edad, sa kaalaman parang tuhod at balikat,
Akala ko sa pagtanda ko'y, ikaw pa rin ang kasama, ba't ngayon parang hindi na kita kilala?

Hindi ko alam nalamatan ba ang kristal na turing ko sayo?
Nabasag ba ng tuluyan dahil sa sobrang pag-iingat ko?
Kaya ngayon nag-iisip na..
Iba ka talaga sa kanila o hindi lang kita nakilala?

Ang dating pagtutugma'y nagsali-saliwa,
Ang bawat yakap at halik ngayo'y may katumbas na.
Akala ko noo'y kumatok ka sa puso ko't pinagbuksan ka,
Iyon pala'y kasama ka rin nila't sinabihan na sa bahay ko'y may pagkain pa.

Ako ba ang dapat sisihin kung bakit naging ganyan ka?
Inibig ka lang ng lubos iyon ba'y kulang pa?
Inalagaan ka lang naman at minahal,
Kala ko talaga puso'y natuturuan... hindi pala.

San man humantong ang makatang ito,
Alam ko "tayong dalawa" na lamang ay hanggang dito.
Dahil dumating na ang hudyat na kinatatakutan ko.
Pipiliin mo na ang itinakda ng mundo para ibigin mo.

San man makarating wag sana akong malimot.
Sundin lahat ng payo ko wag gagawin ang aking kinatatakot.
Siguro pag ikaw naman ang nasa edad ko,
Marahil ako'y wala na non pero maiintindihan ako.

Sa lahat ng aking minahal ikaw ang pinakakakaiba...
Linya nyo din yan akala mo kayo lang?
Sa susunod na magkita tayo pakiusap wag mo na kong pansinin.
Dahil inaamin ko lahat ito'y buburahin ko sa isang halik mong madiin.

Alam kong darating ang panahon, isa ka rin sa
makakalimutan at tatawanan ko.
Pero lahat sa kanila ikaw ang pinakamahal ko..
Obvious ba? ikaw ang huling ex ko.
Dalangin ko sana saki'y may natutunan.
Ikamamatay kong makita kita sa lugar na aking pinagkunan.




Comments

Popular Posts