Disyembre na naman!


Haaayyy...

Ano bang masaya sa disyembre??

http://mommythreena.blogspot.com/2011_12_01_archive.html

andami kong blessings! Sa sobrang dami, akala ko hindi na matatpos.. Kitang kita naman sa Post ko last year..
Andami kong natanggap na blessing.. After 5 years noon sa trabaho mula pa nang magtapos ako... Grabe to the highest level sa akin ang 2011..

Pero ayun, after 6 years... Sinumpa na naman ang December ko...

Ano bang meron sa sumpa ng disyembre???

Eto na naman, bigo sa pag-ibig.. Member ng SMP at.. Walang trabaho...
Palagi na lang tayong ganito..
Ang mali konaman sa dami ng blessing ko last year, inubos ko din ng isang iglap.. At yung mga natanggap ko like my iPad, kinuha rin sakin... Parang kinuha na rin yung finesse at Class ko... Ang hirap ko na naman... Sayang hindi man lang ako nakapag-ipon.. Haaaayyy...

Ilang disyembre na ko ganito!!!
Bakit? ano bang meron sa december at palagi akong naghihirap sa buwan na to??

OO inubos ko na nga sa puso ko ang mga naipon ko nun pero eto talaga, nagpakakampante naman ako na maayos din sa taon na to...
Hindi naman nagkam,ali ang nanghula sakin nung 2010 na magiging masagana ang 2011 ko..
Pero hula nga lang naman yun. Bat ba ko magpapaniwala sa mga bituin... Eh sa langit dapat ako nakadepende...

Wala namang nakakaalam kung anong mangyayari sakin.. Haaay.. sana winarningan na ko ni Lord noon na wag nang patibukin ang phikan at saksakan ng tanga kong hypothalamus... At napatunayan kong mali talaga ang PAGASA.. There's no such thing as "Tapat na pag-ibig para sa mga bakla.." Dahil.. WALA TALAGANG LUMILIGAYANG ASWANG..

Sumpa nga talaga siguro sa mga bakla ang malamasin once na isipin nila kahit minsan ang kapakanan ng sarili at kaligayahan nila..
We were born to be a public servant.. A family's breadwinner.. And a shoulder and a shelter for all the men who can give love to us to a certain expense.... WE SHOULD ALWAYS KEEP THAT IN MIND... at wag na tayong mag-ambisyon na gugustuhin tayo ng gusto natin... Hindi nakakabusog ang pagmamahal...

Haaayy..
Hindi ko alam ang mangyayari sa king sa susunod na taon pero panahon na talaga para mangibang bansa.. Kahit gano kahirap... Basta maitawid ko lang sa gutom ang pamilya ko.. Sabi nga ng nanay kong hindi pa rin pala tanggap ang pagkabakla ko.... SAKA KA NA MAG-ENJOY, PAG STABLE KA NA... Sabi ko nun sa sarili ko, pag 25 na ko dapat may bahay na ko.. meron naman kaya lang inuupahan lang,. hindi naman mapapasakin. naging maybahay nga ko.. At dun na nga naubos ang ipon, pero wala namang narating... Naging masaya nga ko pero napakabilis lang..
At ngayong loveless na ko.. Penniless na naman...

Sana lang makaipon ako sa raket.. So help me God...

Nawalan pa ko ng mga contact sa mga raket ko dati... Tagal ko na ring comedian.. Pero heto pa rin nagtityaga sa 500 pataas.. Na dapat sana nasa 1,5k pataas... Nawalan pa ko ng gamit sa pagtityaga sa halagang yun sa hindi ko pa bahay.. Haaay.. nakakfrustrate...

Anu naman kaya ang 2013 na naghihintay para sakin..???

Magaling naman daw ako..
Pero hindi ko kasi kayang ipagyabang yun at magpakitang tao ako at ipagsigawang magaling ako.. Let the people attest to that...
Buti na lang sa trabaho kahit natatangahan sila sakin

Pero asan na ko ngayon?? Matatawag ko ba ang sarili ko na successful? at Professional??
Maswerte nga ba ko nandito ko s aposisyon ko ngayon???

Ilang disyembre na.. Ilang taon na ba ko???
Ang mga kasabayan ko at nauna pa sakin, may sasakyan na.. Anong investment ko?? Jowa ko?? asan na? wala din naman... Iniwan pa rin ako.

Saan ako pupunta? Anong gagawin ko? kung ayaw nila sakin? Im not getting any younger.. Im getting older and older.. But I don't grow up...

Sana next december, kung suswertehin na ko, sana tuluy-tuloy na... Bawala na maghabol.. IT'S REALLY NOT WORTH IT...


Sana next year, white Christmas na ko... Ayoko na sa Pilipinas! Bawal lumigaya ang mga bakla dito!!!


Comments

Popular Posts